Chapter 40

1.5K 33 33
                                    

Chapter 40

Answer

-Shanela-

Hindi ako nakapagsalita sa ginawang iyon ni Vince. But after that, I looked so flushed! Mas pinagkaguluhan tuloy ako ng mga kasama ko dahil sa ginawa niya! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanilang lahat.

"Wait? So bakit ganoon ang ginawa ni Mr. Saavedra sa'yo?"

Isang salu-salo ang hinanda after the meeting. Halos lutang na ako the whole meeting pero si Vince ay nagawa pang mag-present sa aming lahat. Hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa katinuan, lalo na ngayon! My position looks awkward. Nasa harapan ng table namin ang Executive table kung saan nandoon sina Vince, and what's worst is he's directly looking at me.

"Uhm... ano..." I couldn't answer.

I am very distracted by his presence especially that I know he's looking at me! I suddenly become conscious to eat or to speak. Pakiramdam binabantayan niya ang bawat kilos at galaw ko.

"Parang okay naman kayong dalawa?" Jia commented as she continued eating.

"We... we're in a relationship..." I unconsciously said. Halos makagat ko 'yung labi ko sa sinabi ko. Ngayon ay mas lalong nacurious ang mga kasama ko. "Before he admitted it, we were already in a relationship. Kaya hindi ko na rin tinuloy ang kaso..." paliwanag ko.

"Totoo!?"

"Kung ganoon bakit pa niya kailangang aminin ang kasalanan niya? Ang weird..."

Doon na umikot ang usapan. Hindi naman ako makasabay sa kanila dahil conscious pa rin ako sa tingin ni Vince. Everytime I look at him, his intimidating mysterious gaze will welcome me. Kahit na may kausap siya, diretso pa rin ang tingin niya sa akin. He's gently playing with his wine glass while talking to the person beside him.

"Shan, someone's calling..." kinalabit ako ni Mariel at tinuro ang phone ko.

My attention immediately went to my phone. Nang makita na si Riley ang tumatawag ay kinuha ko ito at sumenyas sa kanila na lalabas muna ko. I'm sure that Vin's the one calling me. Nang makalabas ako ng conference hall ay sumandal ako sa pader at tsaka sinagot ang tawag.

"Yes, baby?"

"Mommy, where are you na? I'm hungry." his tone sounded so sad.

I looked at the wall clock around the area and that's when I realize that it's almost seven in the evening. Nangako nga pala ako kay Vin na bibilhan ko siya ng Jollibee.

"Pauwi na si Mommy, baby. Kainin mo na lang muna 'yung hinanda ni Yaya Anna. Then later 'yung Jollibee mo, okay? Kahit kaunti lang para hindi ka lang malipasan ng gutom. Sorry anak ha? May meeting kasi si Mommy..."

The door near me opened. Napatingin ako roon at halos atakihin ulit ako sa puso ng makitang si Vince ang lumabas. His eyes roamed around the area but when he saw me, his eyes rested on me as he sighed. Para naman akong binalot ng kaba ng maglakad siya palapit sa akin.

Great.

"Matagal ka pa, Mommy? I can still wait for you..."

Huminto sa harapan ko si Vince. He was about to say something but when he noticed that I'm talking to someone, he kept silent. Ang isang kamay niya ay nilagay niya sa gilid ko. Hindi ko alam kung kakausapin ko siya o di kaya ay tatawagin. He locked his eyes on me, tila malalaman niya ang lahat ng ginagawa ko.

"Mommy?" Vin called me.

"Uh, Y-yes, ba-by?" mahina at nauutal kong tanong.

Nanatili ang tingin ko kay Vince hanggang sa kunin niya ang cellphone sa kamay ko ng hindi ko namamalayan. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya at akmang kukunin na sana ito ng pigilan niya ako. He placed my phone on the middle of us then he turned the loudspeaker on.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon