Chapter 25

1.5K 52 5
                                    

Chapter 25

Accept Me


-Shanela-

"Hi Shanela!" masayang bati sa akin ni Ate Vera pagkabukas ko ng pinto.

"He-hello..." mahinang sambit ko at bahagyang ngumiti.

Napatingin ako sa mga dala niyang plastic bags, kasunod niya ang isang lalaki na may dalang mga bag. Nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok silang dalawa. The guy simply nodded at me as he placed all the bags he's holding on the couch.

Sumunod naman ako sa kanilang dalawa.

"Sige, ilapag mo na lang 'yung mga bags diyan at antayin mo na lang ako sa baba. And also contact your boss tell him that I'm here already... para tumigil na sa pag-aalala ang isang 'yon." baling ni Ate Vera doon sa lalaki.

"Yes, Ma'am..." aniya at kaagad itong humakbang papuntang pinto.

Tumingin naman sa akin si Ate Vera, nakangiti pa rin siya sa akin. Sandali kong hinabol ng tingin ang lalaki hanggang sa isara niya ang pinto.

"Are you okay?" tanong niya sa akin. "Nagugutom ka na ba? Sorry, madami kasing bilin 'yung asawa mo at kailangan palihim pa ang alis namin sa bahay para hindi malaman ni Wayde. Sabi niya samahan muna kita dito... Are you sure you're really okay here?"

I looked at her. Nakatingin na siya sa akin at binabantayan ang sasabihin ko.

"Oo... I'm okay..."

"Hmmm." she looked around. "So this is my brother's unit... in fairness, malaki na rin 'to para sa inyong dalawa."

Nagsimula siyang maglakad papunta sa kitchen habang iginagala ang tingin sa buong unit. So ibig sabihin, first time niya rin dito? Sinundan ko naman siya, I even offered to help her carry that bags that she's holding but she refused.

"First time mo lang din dito?" tanong ko.

"Yeah..." aniya at nilapag ang mga pinamili niya sa kitchen counter. "Noong umuwi siya dito galing US hindi ko talaga siya pinakealaman. Hindi ko nga alam na dito pala sa BGC ang unit niya. Ang alam ko lang nagpapagawa siya ng bahay..."

Tinulungan ko siyang ilabas ang mga pinamili niya. Naging interesado ako sa kwento niya. If I want to know the answer to all of my questions then I need to fish for details. Hindi man mabigyan talaga ng sagot ang mga bumagabag sa akin, at least malaman ko man lang kung bakit ako nandito, kung ano ba ang dahilan kung bakit ito ginagawa ni Vince. Kung galit ba siya sa akin... kung bakit siya galit.

And at the same time...

I want to know him better... I want to understand him. I want to know his story.

"Ilang taon na siyang nandito sa Pilipinas?" I curiously asked.

"Mga four or five years ago..." aniya at muling tumingin sa akin. "By the way, sinigang na baboy ang lulutuin ko for lunch, ayos na ba 'yun sa'yo?"

"Oo, ayos na sa akin 'yun." I smiled at her.

"Sige! Alam mo bang paborito ng kapatid ko ang sinigang?" aniya.

Napatitig ako sa kanya, inabala na niya ang sarili niya sa pagbutingting ng mga gamit sa kusina. Meron din akong kakilalang favorite ang sinigang. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga ingredients na nakalabas.

"Naalala ko pa noong bata palang siya, madalas niyang pilitin si Mama na magluto nun. Kaya in the end, halos magsawa kami kasi laging sinigang ang ulam namin, one reason why I used to hate him. Kailangan pa tuloy na magluto ni Mama ng ibang putahe para sa amin..." she said as she laughed.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon