Chapter 35

1.2K 31 4
                                    

Chapter 35

Justice

-Shanela-

Tahimik kong pinagmamasdan si Vince habang nagmamaneho siya. Simula kanina ng umalis kami sa NBI ay wala ng nagsalita sa aming dalawa. I am very curious about what he said to Denver earlier but I'm scared to open that topic to him.

"Ihahatid kita sa inyo," he broke the silence then he glanced at me. "Magpahinga ka na. Don't think too much, just think about our child and yourself." aniya at muling tumingin sa daan.

"Anong ibig mong sabihin doon sa sinabi mo kay Denver?" I unconsciously asked.

He didn't answer my question. Muli kaming nabalot ng katahimikan. Instead of waiting for him to answer my question, I just took a deep breath and looked at the window. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nag-aalala sa mga nangyayari.

"Ang importante ay magiging maayos na ang lahat... iyon na lang ang isipin mo."

How I wish I can do that. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng magiging maayos na ang lahat? How will I know that everything's fine?

Si Mama ang kasama ko ng nagpa-check up ako ngayon. Mas naging busy si Vince sa trabaho niya kaya naging bihira ang pagbisita niya sa akin. He calls every time he's free only to check if I'm okay but that's it. Binabalitaan niya na lang ako tungkol sa takbo ng kaso ni Denver dahil hindi niya ako pinapayagang pumunta sa mga hearing. I just gave a statement and that's it.

"Your Tita Annalise called," Mama opened up a topic.

Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanya. She looked at me and smiled with full gentleness.

Matagal na mula ng magkaroon kami ng communication kay Tita Annalise. She's my father's wife. Siya ang babaeng pinakasalan ni Papa dahil ayaw ng pamilya ni Papa kay Mama. I never get a chance to know or to meet my father personally. My mother lost communication with him for a long time... nalaman na lang namin na patay siya ng si Tita Annalise mismo ang pumunta sa amin para ibalita iyon. Walang anak si Papa at si Tita Annalise kaya halos ituring niya na rin akong anak niya. Sa Canada siya nakatira at kasama ang iba pa nilang relatives.

Hindi ako nagsalita at hinayaan si Mama na magpatuloy sa sasabihin niya.

"Nabalitaan niya ang tungkol kay Denver kaya nag-aalala siya sa'yo. I told her about your condition and that you're currently married to Vince. Ang sabi niya uuwi siya dito para bisitahin ka... she'll call you again soon." aniya.

"Kailan daw po pupunta dito si Tita Annalise?"

"She didn't tell the exact date but she said that she'll be here next month..."

"Ganoon po ba? Baka tawagan ko na lang din po siya. I have spare time to do that." iyon na lang ang sinabi ko kay Mama at ngumiti bago muling magpatuloy sa pagkain.

"Anak," malumanay na tawag sa akin ni Mama. "Ano ng estado niyo ni Vince?" tanong niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hindi ako kaagad makasagot sa tanong niya sa akin.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?"

"Gusto mo na ba siya? He's the father of your child, you should plan for your future... and the future of your child. Ano na bang plano niyo?"

"Hindi pa po kami nag-uusap tungkol dito, Ma. I know that he's very busy right now... I don't want to disturb him for now. Makakapag-antay pa naman po 'to di ba?" mahinang sambit ko.

Huminga ng malalim si Mama. "Nag-aalala lang naman ako sa inyo lalo na sa'yo..." she looked worried. Bahagya naman akong ngumiti at hinawakan ang kamay niya.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon