INTRODUCTION

13.1K 266 3
                                    

MY JERK EX-HUSBAND

INTRODUCTION:

Harrah's POV

Excited akong naglalakad papasok ng bahay hawak-hawak ang isang envelope na naglalaman ng isang magandang balita, sana lang talaga matuwa si Brix sa surprise ko para sa kanya ngayong anniversary namin, ilang araw ko nang napapansin yung mga symptoms pero ngayon ko lang naisipang magpa-check-up at sakto pang 1 year anniversary namin ng asawa ko,

pagkapasok ko palang sa main door, nakita ko na agad siyang naka-upo sa sofa sa may sala, napalingon siya sa gawi ko pero as usual, kung hindi nakasimangot, masyado nanamang seryoso yung expression ng mukha niya,

"Brix, may ibabalita ako sayo.." ngiting-ngiting simula ko,

magsasalita pa sana ako para ituloy na yung sasabihin ko nung bigla siyang tumayo at nagsalita,

"ako rin, may sasabihin din ako.." blanko ang ekspresyon ng mukha niya,

napalunok ako,

kinabahan ako sa tono palang ng pananalita niya, idagdag pa yung seryoso at malamig niyang tingin saken,

"a-ano yun?? mauna k-ka na.." pilit pa rin akong ngumiti kahit na nauutal at medyo nanginginig na yung kamay kong may hawak ng envelope,

nakita kong dinampot niya pa muna yung folder sa ibabaw nung center table bago naglakad palapit saken, sinusundan ko lang ng tingin yung folder na hawak niya hanggang sa ilahad niya yun saken,

"a-ano yan??"

"tss, why don't you try to see it for yourself??" iritadong sabi niya at umirap pa,

alam kong naiinis na siya saken base sa pagkakakunot ng noo niya kaya inabot ko na yung folder, sana lang talaga mali ang iniisip ko,

unti-unti ko nang binuklat yun at tumambad agad saken ang nakasulat sa first page,

Annulment papers..

"a-anong ibig s-sabihin nito??" nauutal na tanong ko habang pilit nagpipigil ng luha,

"are you that idiot?? akala ko pa naman matalino ka, psh, annulment papers yan.. anyway.." inabutan niya ko ng ballpen, "just sign it nang matapos na tayo at makaalis na ko.."

"B-brix, no, no, y-you can't do this to me!!"

ngumisi siya at dun palang, alam ko nang panalo na siya, alam ko nang wala na kong magagawa pa, alam ko nang buo na ang desisyon niya,

nagsimula nang bumagsak yung mga luhang kanina ko pang pinipigilan,

"ofcourse I can, and guess what?? I'm already doing it.. now, you just have to sign it and we're done.."

"no, ayoko.." umiiling na sabi ko,

nawala yung ngisi niya at sinamaan niya ko ng tingin,

"what?? ngayon ka pa magmamatigas??" hinawakan niya ko ng mahigpit sa braso kaya napangiwi ako,

"Brix ano ba, nasasaktan ako, a-akala ko ba okay na tayo?? b-bakit ka n-nakikipaghiwalay ngayon??"

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon