CHAPTER 5.1

7.9K 170 0
                                    

[I'm really sorry Harrah, I promise, ma-close ko lang yung deal sa foreign investors na yun sa Italy bukas, babawi talaga ako sa inyo..] hinging paumanhin ni Aaron mula sa kabilang linya,

3 days na kasing may sakit si Kyle at isang beses niya palang nadalaw dito sa bahay dahil sa sobrang busy nila ngayon sa office,

"ano ka ba, ayos lang yun no, naiintindihan naman namin yun ni Kyle, malapit na kasi birthday niya kaya siguro nagkakasakit, basta ayusin mo nalang yung proposal mo, wag mo na kaming intindihin.." sagot ko naman sa kanya,

hindi niya naman kasi talaga kailangang mag-sorry eh, busy siya at naiintindihan ko yun, isa pa, hindi niya naman kami responsibilidad,

[sorry talaga, susunduin nalang kita mamayang hapon para makadaan din ako diyan saglit, atleast makita ko naman si Kyle bago yung flight ko ng madaling araw, 4 days ko din kayong hindi makakasama..] ramdam ko yung lungkot sa tono ng pananalita niya,

"oo na, oo na po, I'm sure matutuwa yun, sige na, kailangan ko na ring pumasok sa restaurant ngayon eh, 3 days na kong absent.."

hindi ko kasi maiwan yung anak ko, busy din naman yung mga kaibigan ko sa kanya-kanya nilang trabaho kaya nahihiya din akong tawagan sila,

[are you sure?? how about Kyle, sinong mag-aalaga sa kanya?? if you're thinking about your job, don't worry, ako nang bahalang magpaliwanag kay Nicole..]

"hindi na kailangan, andito naman si Aira ngayon para alagaan siya eh.." tukoy ko sa nurse naming kapitbahay, siya na muna ang pagbabantayin ko kay Kyle para makapasok ako sa trabaho tutal wala siyang duty ngayon at matagal na rin kaming magkakilala,

[is that so??]

"yeah, sige na, goodluck nalang sayo, bye.." ibababa ko na sana yung tawag nung marinig ko pa siyang nagsalita,

[bye, I love you..] kasunod ng dial tone,

talaga yun, pinatayan pa ako, hindi manlang ako hinintay na sumagot,

sabagay, hindi ko rin naman alam kung anong isasagot ko eh..

bumalik pa ko sa loob ng bahay para magbilin kay Aira ng mga dapat niyang gawin at para magpaalam na din sa anak ko bago pumasok sa trabaho,

nung nasa restaurant na, angdaming nangamusta at nagtanong saken kung bakit 3 days akong wala, sinagot ko nalang sila na may sakit si Kyle,

pero habang nagbibihis sa locker room, nakasabayan ko si Jessa na isa sa mga kasamahan kong cook din,

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon