pagkarating namin sa dining room, binaba na ni Aaron si Kyle,
lumapit naman yung anak ko para magmano sa mga magulang niya,
nakahinga ako ng maluwag nung makita kong ngumiti ang Mama ni Aaron,
"good evening po Mam, S-sir.." mahinang bati ko sa kanila,
"good evening rin iha, just call me Tita Jenny while he's your Tito Dane, no need for the formalities here, mabuti pa maupo na kayo at nang makapagsimula na tayo, para makarami din tayo ng mapagkekwentuhan.."
ipinaghila ako ng upuan ni Aaron, pagkaupo naming lahat nagsimula na kaming kumain, bale nasa gitna naming dalawa si Kyle,
magkatapat naman kami ni Brix kaya kita ko yung pagkakakunot ng noo niya habang pasulyap-sulyap kay Aaron na sinusubuan pa yung anak ko, as usual, spoiled talaga si Kyle sa kanya,
"so Brix, what are your plans about the wedding??" simulang tanong ng Mama ni Aaron,
hindi ko narinig na sumagot si Brix kaya napaangat ang tingin ko sa kanya, kumakain siya pero tulala at ganun pa rin, nakatingin pa rin siya kina Kyle,
"hon??" hinawakan siya sa balikat ni Nicole,
mukhang natauhan naman siya at napalingon agad kay Tita Jenny,
"ah-- I'm sorry, what is it again Tita??"
"I'm just asking about the wedding, any plans for it??" ulit ni Tita Jenny sa tanong niya kanina,
"huh?? sinong ikakasal??" wala sa sariling sabi ni Brix,
napatigil kaming lahat sa pagkain kaya natahimik ang paligid, lahat sila nakatingin na sa kanya at nakataas ang kilay,
nagtatakang tinignan niya kami isa-isa pero nung magtama ang paningin namin napayuko ako,
"ha-ha-hah- ikaw talaga hon, napakapalabiro mo, of course plans for our wedding!!" bahagya pang hinampas ni Nicole si Brix sa braso,
depende kung gusto mong magplano para sa kasal ng iba, tss..
"ah.. yeah, yeah, sorry again.." hinging paumanhin niya ulit,
"hon, are you okay?? may sakit ka ba?? masama ba ang pakiramdam mo?? parang kanina ka pa wala sa sarili eh.." nag-aalalang tanong ni Nicole sabay dikit ng likod ng palad niya sa noo ni Brix,
"I'm fine, may iniisip lang.. anyway.." nagsimula na siyang mag-discuss tungkol sa nalalapit na nilang kasal 3 months from now,
tahimik lang akong kumakain, hindi ko na narinig yung iba pa niyang sinabi, wala naman akong pakeelam eh,
alangan namang makisali ako sa usapan, anggara naman kung makikiplano ako at magbibigay ng suggestions sa kasal ng dati kong asawa no,
"Papa Aaron, can you get me some nachos??" request ni Kyle,
aabutin na sana ni Aaron yung bowl na may lamang mga nachos nung mauna si Brix na kunin yun at agad na inalok kay Kyle,
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara