CHAPTER 12.1

6.3K 122 1
                                    

Harrah's POV

***FLASHBACK [8 years ago]

kagagaling ko lang kina Mommy, ilang buwan na rin akong hindi nakakabisita sa kanila mula nung maikasal kami ni Brix kasi hindi niya ko pinapayagang lumabas ng bahay,

nag-long sleeve na nga lang ako at below the knee na palda para hindi nila mahalata yung mga pasa at sugat ko sa braso, pati na rin yung mga latay ng belt ni Brix sa legs ko gawa nang pananakit nanaman niya saken kagabi,

gabi-gabi naman eh..

pagkababa ko ng taxi, pumasok na agad ako sa gate, papasok na sana ako sa main door nung mapansin kong bukas na yung ilaw sa loob, napalunok ako at kinabahan, kami lang dalawa ni Brix dito,

does it mean naunahan niya kong umuwi??

no.. hindi pwede..

hindi pa naman ako nagpaalam sa kanyang aalis ako ngayon kasi alam ko namang hindi niya ko papayagan kaya paniguradong magagalit yun at.. lagot nanaman ako..

humakbang na ko papasok at isinara na yung pinto,

nagitla ako pagkaharap ko nung muntik nang tumama saken yung basong inihagis ni Brix,

rinig na rinig ko pa yung pagtama nun at pagkabasag sa pintuan na nasa likuran ko lang,

unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya, pulang-pula yung mga mata niyang nakatitig ng masama saken, kitang-kita ko din yung nakakuyom niyang kamao,

"AT SINONG NAGSABI SAYONG PWEDE KANG LUMABAS NG BAHAY NA TO?!!" galit na lumapit siya saken at hinawakan ako ng mahigpit sa braso,

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon