CHAPTER 3.1

8K 190 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw, mahigit one week ko nang nakakasalamuha sila Nicole at Brix sa iisang building,

so far, nakakahinga pa naman ako ng maayos,

madalas si Brix dito sa restaurant pero hindi naman araw-araw, hindi na rin naman niya ko kinausap o ininsulto pa pagkatapos nung pang-aasar niya saken last week,

medyo nakakailang nga lang kasi kakaiba siya kung makatitig sa tuwing makakasalubong ko siya o di kaya'y makakasabay sa parking lot kapag hinihintay ko si Aaron samantalang susunduin naman niya si Nicole,

maayos din namang makitungo saken si Nicole, mabait siya at mahinhin kaya hindi na ko nagtataka kung bakit siya minahal ng ganun ni Brix,

okay rin kami ni Aaron, tinutupad niya naman yung mga pangako niya,

sinusundo pa rin namin ng sabay si Kyle at dun pa rin siya madalas mag-dinner sa bahay, namamasyal pa rin kami tuwing day-off niya ng Sunday,

"Mommy!!"

napalingon ako kay Kyle na tumatakbo papalapit saken kasunod si Aaron,

"Aaron, pasensya na talaga ah, kailangan kasing mag-overtime ngayon eh, may event pa pala tapos angdami pang customers, naabala pa tuloy kita, hindi kasi pumasok si Kristine ngayon kaya kulang sa kitchen, sorry talaga.."

nakakahiya, pinasundo ko kasi sa kanya si Kyle sa school, hindi ko kasi siya masusundo dahil nga hindi ko maiwan yung trabaho ko, nagkasakit din kasi yung isa sa mga chef namin kaya kulang kami sa kusina,

"its fine, no problem, naging manager niyo na ko dati so I understand.. anyway, kailangan ko lang munang bumalik sa office kasi may emergency meeting daw, kailangan ako dun ni Dad, susunduin ko nalang kayo mamayang mga around 8pm.." nakangiting inabot niya saken yung backpack ni Kyle,

kinuha ko naman agad yun,

"sige, ingat ka nalang and good luck.."

nag-wave kami ni Kyle sa kanya, nagmamadali naman siyang sumakay sa kotse niya,

nag-flying kiss pa nga bago pumasok eh kaya natawa nalang ako,

dinala ko naman agad si Kyle sa locker room, kailangan ko na kasing bumalik agad sa trabaho eh,

"mukhang wala kang dalang new toys ngayon ah??"

lately kasi palagi nalang siyang may dalang iba't ibang klase ng laruan, minsan robot, toy cars o di kaya'y action figures,

akala ko nga kay Aaron galing eh, pero nung tinanong ko siya, hindi naman daw, ang sabi ni Kyle there's this so called "nice guy" daw na palaging nasa school nila at kalaro niya every afternoon habang hinihintay niyang sunduin namin siya,

curious na nga ako kung sino yun kaso hindi ko naman matyempuhan kapag pumupunta ako sa school nila,

may mga nabubuo na nga akong conclusions sa isip ko pero alam ko namang imposibleng mangyari yun, natatawa na nga ako sa sarili ko sa tuwing pumapasok sa isip ko na posibleng siya yun eh, asa naman ako,

imposibleng siya yun, imposibleng-imposible..

"maaga po kasi akong sinundo ni Papa Aaron kaya di na kami nakapag-play ng playmate ko.."

pinunasan ko lang saglit yung pawis niya sa noo at leeg at nagpaalam na rin ako at madami pa kong trabaho,

"ganun ba, oh sige na baby, kailangan nang bumalik ni Mommy sa work eh.."

iniwan ko na muna si Kyle sa locker room at binilinan na wag lalabas dun at wag na wag makikipag-usap o sasama kung kani-kanino,

pagkatapos bumalik na ko sa kitchen para magtrabaho..

---

after ilang hours natapos na din yung mini event na naganap dito sa restaurant,

tapos na yung trabaho ko kaya nagmamadali na kong bumalik sa locker room, siguradong gutom na si Kyle kasi 8pm na, maya-maya lang darating na rin si Aaron,

pagkapasok ko sa locker room hinanap ko agad si Kyle,

kumunot yung noo ko nung hindi ko siya nakita,

nilibot ko yung locker room, pati ilalim ng lamesa at mga upuan tinignan ko na habang tinatawag yung pangalan ng anak ko,

binuksan ko pa yung ilang locker na hindi naka-lock pero hindi ko pa rin siya mahagilap kaya nag-panic na ko,

tumakbo agad ako palabas,

lahat ng mga nakakasalubong kong kasamahan ko napagtanungan ko na pero hindi rin daw nila nakita si Kyle,

kinakabahan na ko, kung anu-ano nang masasamang bagay ang pumapasok sa isip ko na pwedeng mangyari sa anak ko hangga't hindi ko pa siya nakikita,

disgrasya, kidnap, ewan ko, paranoid na kung paranoid pero nag-aalala lang ako para sa anak ko,

pinagpapawisan na ko ng malamig nung halos malibot ko na yung buong restaurant hanggang third floor pero wala pa rin,

nagmamadali akong bumaba at lumabas ng restaurant, baka sakaling nakalabas na yung anak ko, mas lalong delikado,

pupunta na sana ako sa parking lot para tignan siya dun nung matanawan ko na siyang papalapit,

akala ko makakahinga na ko ng maluwag nung makita ko na siya at mukhang safe naman siya pero..

mas dumoble pa pala yung lakas ng tibok ng puso ko at mas kinabahan ako lalo nung makita ko kung sinong may buhat sa anak ko..

"B-Brix??"

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon