13.3

6.2K 146 11
                                    

"i-is  that so?? are.. are you angry with him??" kita ko mula dito yung paglunok ni Brix,

"sometimes.." nagkibit-balikat si Kyle, "especially whenever I saw my Mommy tired from work because as from my teacher, Daddies should be the one working for the family which he also never did for us.."

saglit na katahimikan bago ulit naka-imik si Brix,

"I'm sorry.." napayuko siya,

I'm sorry?? sorry?? ha, too late Brix, too late..

kunot-noong napatingin naman sa kanya si Kyle at tsaka ngumiti,

parang pinipiga yung puso ko sa nakikita ko sa mga mata ng anak ko, all this years akala ko okay siya, na kuntento na siyang kaming dalawa lang ang magkasama,

hindi ko agad na-realize na sa lahat-lahat pala ng nangyari, siya itong pinaka-naaapektuhan,

"its okay, you don't have to be sorry, besides you're not him, you're not my Dad.."

ngumiti si Brix pero hindi umabot sa mga mata niya,

ewan ko rin kung tama ba yung nakikita ko sa mga mata niya.. na parang nasasaktan din siya,

wala siyang karapatang masaktan dahil simula palang, siya na ang umalis, siya na ang nang-iwan samen,

"c-can I hug you??"

"huh?? why??"

"b-because we're the same, we're both longing for love, you for your D-Dad and me for my son.."

parang gusto ko ulit matawa, naririnig niya ba yung sinasabi niya?? hindi ba siya nahihiya na sa anak ko pa mismo na tinalikuran niya sinabi yun??

I don't think pareho sila ng anak ko, kasi siya ang nang-iwan at ang anak ko ang iniwan,

"sure.."

marahas kong pinunasan yung butil ng luhang kumawala sa mata ko nung makita ko silang nagyakapan,

tumingala si Brix at parang may pinahid sa mata niya tsaka niya niyakap pa ng mas mahigpit si Kyle,

"why don't you call me Dad?? and I'll treat you as my son.." suggestion ni Brix,

humiwalay na si Kyle sa pagkakayakap at sumimangot,

"I can't, Mommy might get mad at me if ever, she won't allow me to call you Dad.."

bahagyang yumuko si Brix at bumuntong-hininga, ngumiti nalang ulit siya at tumango,

"if that so, then just treat me as your Dad, what do you think??"

saglit na napa-isip si Kyle at ngumiti na rin,

"hmmm.. I think that one will be fine with me.."

tumawa si Brix at ginulo ang buhok ni Kyle, hinalikan niya pa sa noo yung anak ko,

kitang-kita ko mula dito yung pagkakahawig nilang dalawa, magmula sa mata, ilong hanggang labi,

magkamukhang-magkamukha nga sila pero sinisiguro ko na magkaiba sila ng ugali, pinalaki ko ng maayos ang anak ko at sigurado akong hindi siya magiging kasing sahol ng ugali ng ama niya,

hindi na ko nakatiis at tinulak ko na yung pinto para pumasok, sabay pa silang napalingon saken,

"Harrah/Mommy.."

"tara na Kyle, kumain ka na para makatulog ka na ng maaga, may pasok ka pa bukas.." nakangiting tawag ko sa anak ko, ni hindi ko tinapunan ng tingin si Brix,

bumaba naman na siya sa pagkakakandong kay Brix at lumapit saken, hinawakan ko na yung kamay niya at pumihit na kami para sana umalis nung magsalita si Brix,

"Harrah, can we talk??"

tss, ayan nanaman siya, ilang beses ko bang sasabihin na wala kaming dapat pag-usapan??

"mauna ka na sa baba Kyle, susunod nalang si Mommy.."

bumitaw na siya sa kamay ko at nauna na nga, nung natanaw kong pababa na siya ng hagdanan, humarap na ko kay Brix,

"what now??" pinilit kong maging blanko yung mga mata ko habang nakikipagtitigan sa mga mata niya,

"did you heard everything.. wife??"

peke akong tumawa at nag-iwas ng tingin sa kanya,

did he just call me.. wife??

"ano nanaman bang kalokohan to Brix?? oo, narinig ko lahat, pero pwede ba, itigil mo na to, wag mo nang paasahin pa yung anak ko sa mga imposible nang mangyari, pareho nating alam na malabo nang magka-ama siya kasi wala siyang ama.. wala siyang amang katulad mo.."

wala siyang amang walang kwenta, wala siyang amang kasing-walang puso mo, wala siyang amang kasing sama mo..

"I just want to make it up to you, sa inyong dalawa, Harrah I'm already here.. I came back for the both of you, kahit malabo na, kahit alam kong imposible na, gusto ko pa ring punan lahat ng pagkukulang ko sa inyo for the passed 7 years, can't you see?? gusto ko lang makabawi.. please.. all I am asking is a chance, I just want to.." humina yung boses niya at napatigil siya saglit bago nagpatuloy, "to be with you again.."

napataas yung kilay ko at hindi nalang binigyang pansin yung huli niyang sinabi,

"Brix ikaw na rin ang nagsabi, 7 years!! 7 years kang nawala tapos ngayon babalik ka na parang walang nangyari at angkapal pa ng mukha mong sabihin saken ang mga yan samantalang ikakasal ka na next month?? nababaliw ka na ba??"

pilit kong pinapakalma yung sarili ko kasi ayokong magtaas ng boses, baka may iba pang makarinig sa usapan na to, iniiwasan ko pa naman yun lalo na kay Kyle,

"I.. I have my reasons.."

reasons?? I don't think may katanggap-tanggap pang rason sa kabila ng lahat ng ginawa niya saken at sa pagkawala niya ng 7 years,

"pwes wala na kong pake sa mga rason mo, wala na kong pake sa kung ano pang mga dahilan mo, wala na kong pake sayo, kung dati halos magmakaawa at lumuhod ako sa harapan mo wag mo lang akong iwan, hindi na ngayon.. hindi na ngayon Brix, matagal na tayong hiwalay, at hindi na ulit kita hahayaang saktan pa ako at ang anak ko.."

hindi na ako ang dating Harrah at ikaw mismo ang nagtulak saken sa kung ano ako ngayon,

isa pa, wala na rin namang mababago yung mga pinagsasasabi niyang rason niya eh,

"well, that was just what you think, sorry to say but not yet Harrah.. or should I say.. wife.."

kumunot yung noo ko sa sinabi niya, naguluhan ata ako dun,

"a-anong sabi mo??"

"you heard it right Harrah, don't make me repeat myself.."

kinabahan ako, ewan ko pero pakiramdam ko nakukuha ko na yung ibig niyang sabihin pero hindi ko lang alam kung paano tatanggapin,

"w-what do you mean??"

"yeah WIFE.." pinagdiinan niya pa talaga, "we're still married.."

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon