3.2

7.9K 187 0
                                    

"B-Brix??"

hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, binaba niya naman si Kyle na inosenteng kumakain lang ng ice cream at dali-daling tumakbo palapit saken,

hinawakan ko agad sa braso ang anak ko at inilagay sa likuran ko habang nakikipagtitigan ng masama kay Brix,

cool lang naman siyang lumapit saken pero kita ko pa rin yung..

lungkot sa mga mata niya??

psh, asa naman ako, masyado na siguro akong napagod sa trabaho at sa kakahanap kay Kyle kanina kaya pati imposible nakikita ko na,

"s-siya na ba yun?? siya na yun diba??" na-sense ko na kung anong ibig niyang sabihan kaya bago niya pa madugtungan yung sinasabi niya, tinakpan ko na sa magkabilang tenga si Kyle para hindi niya marinig,

"siya na yung anak.. n-natin.." medyo mahina yung pagkakasabi niya dun sa last word pero narinig ko pa rin,

pinigilan ko nalang yung sarili ko na matawa dahil dun sa narinig ko, angkapal naman talaga ng mukha..

pinalampas ko nalang yun at hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin,

"bakit kasama mo ang anak KO??" matapang kong tanong,

nagtatapang-tapangan nalang ako kahit sa totoo lang natatakot na ko,

natatakot ako sa kanya, natatakot ako sa pwede niyang gawin,

paano kung sampalin niya ko bigla kapag nagalit ko siya??

paano kung saktan niya ulit ako katulad ng palagi niyang ginagawa saken noon??

mas natatakot pa ko ngayon kasi kasama ko ang anak ko,

natatakot ako para sa kanya, baka mamaya pati siya idamay ni Brix,

sasagot na sana si Brix nung agad akong lumuhod para magpantay kami ni Kyle,

hinawakan ko agad siya sa magkabilang pisngi at ni-check kung may pasa o kahit anong galos siya sa mukha,

"b-baby, s-saan ka niya dinala?? may ginawa ba siya sayo, anong ginawa niya, s-sinaktan ka ba niya?? tell me.." in-exam-in ko rin yung mga braso at binti niya kung may sugat,

kapag nagkataon, hinding-hindi ko talaga mapapatawad si Brix,

kunot-noong umiling-iling lang ang isinagot saken ni Kyle,

"what the-- do you think kaya kong saktan ang anak nati-- "

tumayo agad ako at pinutol yung dapat niyang sasabihin,

mabilis ko ding naibalik yung mga kamay ko sa pagkakatakip sa magkabilang tenga ni Kyle,

"anak KO LANG Brix, pwede ba, lower down your voice!! baka marinig ka niya, tsaka ano ba yang pinagsasasabi mo??"

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon