CHAPTER 7.1

7.2K 154 0
                                    

2 days na mula nung makauwi kami ni Kyle galing sa hospital, 4 days din siyang nag-stay dun,

madalas namang andun ang mga kaibigan at mga pinsan ko para samahan akong magbantay kay Kyle,

hindi kami pinagbayad ng bill dahil bayad na daw yun ni Brix,

mga Castillo pala ang may pinakamalaking shares sa hospital na yun kaya halos magmakaawa pa saken yung nurse nung pinipilit kong bayaran pa rin yung bill kahit bayad na dahil baka masisisante daw siya pag tinanggap niya,

inamin din saken ni Angel at Yuuna na si Brix daw ang nagpaabot nung pagkain na dala nila nung pangalawang araw namin dun,

naki-usap lang daw si Brix na huwag nang sasabihin saken kasi panigurado daw na hindi ko tatanggapin yun, buti alam niya,

sa 4 days din namin dun, araw-araw na nasa labas ng room namin si Brix, hindi naman siya pumapasok kaya hindi ko na rin lang pinapansin,

na-extend naman ng 3 days si Aaron sa Italy, 4 times a day din siyang tumatawag at nangangamusta at mukhang maganda naman ang kinalabasan ng deal na ipinunta nila dun,

sakto ngang baka bukas sa birthday ni Kyle ang uwi niya, sana lang,

hindi ko na rin nabanggit sa kanya ang mga nangyari basta sinabi ko nalang na ayos na si Kyle para hindi na siya mag-alala,

sa ngayon nakakapasok na ulit sa school si Kyle at nakabalik naman na ko sa trabaho..

papunta nga ako ngayon sa school ni Kyle para sunduin siya dahil wala si Aaron para gawin yun,

katatapos lang ng trabaho ko at hindi ko naman nakita maghapon sa restaurant si Brix, mas okay na yun dahil panatag ako,

nung matanawan ko na si Kyle na naglalaro sa playground ng school nila, tumakbo na rin siya palapit saken,

nakangiting umupo ako para magpantay kami at pinaghahalikan ko siya sa pisngi, na-miss ko yung masigla niyang aura eh,

"Mommy, let's just go home, my classmates might see us!!" reklamo niya,

kinurot ko nga sa ilong,

"bakit?? kinahihiya mo ba si Mommy?? hmmm??" pinandilatan ko siya ng mata,

napakamot naman siya sa ulo niya,

"off course not, but will you please stop kissing me here?? its embarrassing.."

hayy, binata na talaga ang baby ko, natawa nalang ako at hinila na siya palabas ng school para makauwi na kami,

kasalukuyan kong binubuksan yung gate ng bahay nung biglang mag-ring ang cellphone ko,

napatingin ako dun sa pag-aakala kong si Aaron ang tumatawag pero ibang number pala,

kahit nagtataka kung sino man yun ay sinagot ko nalang,

"hello??"

[Harrah..]

pamilyar ang boses niya,

paano ko nga ba makakalimutan ang boses ng lalaking isa sa may pinakamalaking parte sa buhay ko.. noon..

saan naman kaya niya nakuha ang number ko??

tumingin muna ako Kyle at tinulak na yung gate nung mabuksan ko na,

"bakit ka tumawag?? anong kailangan mo??" tanong ko agad kay Brix,

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon