"baby, are you ready to go??" tanong ko sa anak ko at inayos ang ilang gamit namin sa likod ng sasakyan na pinadala ni Brix para sumundo samen,
its been 3 days mula nung makausap ko si Brix about his offer, wala akong choice kasi alam ko namang tama siya, malaki ang chance niyang makuha ang custody ni Kyle,
so I came up on this decision, tinanggap ko na ang offer niya, nag-resign ako sa restaurant at kahit labag sa kalooban ko at natatakot ako.. pumayag akong maging personal cook niya..
angdaming tanong ni Aaron saken pero ang tangi ko lang naisagot ay may mas magandang offer saken,
ayokong magsinungaling sa kanya pero ayoko nang gawing komplikado pa ang lahat, mas lalo lang magiging magulo ang sitwasyon pag nagkataon,
hindi ko nalang din sinabi kay Aaron kung saan ako magtatrabaho, good thing busy din siya sa trabaho ngayon at every Sunday lang ang day-off niya kaya yun lang ang time niyang makipagkita samen, madalas na kasi ang overtime niya ngayon,
ayoko na sana munang makipagkita sa kanya kasi ayoko nang madagdagan pa yung mga kasinungalingan ko at.. unfair yun sa kanya..
I don't know but I find it unfair, hindi niya kami responsibilidad ni Kyle, wala siyang obligasyon at pananagutan samen at.. magkaibigan lang kami, kaibigan lang ang turing ko sa kanya.. pero pakiramdam ko.. pinapaasa ko siya..
nung lumabas na ang anak kong naka-suot ng maliit na backpack ay sumakay na kami sa kotse at agad nang pinaandar nung driver yung sasakyan, tinitigan ko lang yung bahay na tinirhan namin hanggang sa makalayo na kami, yun na ang naging tahanan ko mula nung iwan ko yung dati naming bahay ni Brix at ipanganak ko ang anak ko, dun na lumaki si Kyle,
medyo kinakabahan ako pero pipilitin kong kayanin para sa anak ko, para hindi kami magkahiwalay, mas natatakot akong mawala siya saken kaysa sa takot ko sa pwedeng gawin samen ni Brix.. mabuti na yung andun ako, atleast kaya kong protektahan ang anak ko, hindi ko man maprotektahan ang sarili ko, gagawin ko naman ang lahat wag lang saktan ni Brix si Kyle..
makalipas ang ilang minuto, nakarating na din kami sa dati naming bahay ni Brix, bumaba na kami ng anak ko, tumayo muna ako sa labas at nagmasid sa paligid,
gabi at madilim nung pumunta ako dito at humingi ng tulong kay Brix nung magkasakit si Kyle kaya hindi ko natitigan ng maayos nun,
pero ngayong medyo maliwanag pa ang paligid, masasabi kong wala masyadong nagbago, ganun pa rin ang kulay ng kabuuan ng bahay at halatang bagong pintura,
nilingon ko yung gate sa bandang likuran ko at bahagyang natulala dun, naalala ko yung paghabol ko kay brix at pagmamakaawa, pati yung pagbibitiw niya ng masasakit na salita at pagtalikod niya saken,
kung hindi pa ko hinawakan ng anak ko sa kamay ay hindi pa ko matatauhan,
"Mommy, are we going to live here??" inosenteng tanong niya saken,
ngumiti ako at hinaplos ko ang buhok niya,
"yeah, mommy is going to work here and I don't wanna be away from you that's why sinama kita, dito muna tayo titira.. for the mean time.."
hangga't hindi pa ko nakakaisip ng paraan para makawala sa mga pagbabanta ni Brix, magtitiis muna ako,
but I swear.. matatapos din to.. hindi sa lahat ng oras pwede niyang paganahin ang pera niya,
gagawin ko ang lahat para mailayo lang ang anak ko sa kanya.. this won't last forever.. hindi pwedeng siya palagi ang panalo..
humakbang na kami ni Kyle papasok, pagkatapak ko palang sa loob ng bahay ay iginala ko na ang mga mata ko,
wala din masyadong nagbago, iilan lang ang mga bagong gamit sa paningin ko at karamihan sa mga dati na naming gamit dito ay nalipat lang ng pwesto,
sa kabila ng lahat ng yun.. isa lang ang ang alam kong hindi nagbago..
yun ay ang lahat ng mga masasakit na ala-ala ko dito sa bahay na to, lahat ng pananakit ni Brix, lahat ng paghihirap ko.. at alam kong kahit kelan hindi ko na yun mababago..
"Harrah.."
napatingin ako sa nakangiting si Brix na pababa ng hagdan, humigpit yung pagkakahawak ko sa kamay ng anak ko at medyo inusod ko siya sa likuran ko,
kita kong bumagal yung paghakbang niya pababa sa hagdan at nawala yung ngiti niya sa ginawa ko,
tinitigan ko lang siya gamit ang blankong ekspresyon para ipakitang hindi ako masaya sa desisyon ko,
"kumain na ba kayo?? m-magpapahanda ako ng meryenda-- "
"no need, tapos na kami, kung wala kang iuutos saken, baka naman pwede muna kaming magpahinga??" putol ko sa sinasabi niya,
"s-sure, ihahatid ko na kayo sa magiging kwarto niyo.."
kinuha niya yung dalawang malaking bag na hawak ko, hindi na ko umangal at hinayaan nalang siya kasi kanina pa rin naman ako nabibigatan dun,
naglakad siya paakyat kaya sinundan namin siya,
napadaan kami sa dati naming kwarto, pilit kong iniwas yung tingin ko dun dahil sa mga ala-alang bumabalik sa isip ko,
tumigil na siya sa tapat nung kwartong katabi lang nung dati naming kwarto at pumasok dun, sa tingin ko yun ang magiging kwarto namin ng anak ko dito kaya sumunod na din kami papasok dun,
sa pagkakatanda ko guest room to dati, iginala ko yung paningin ko, malawak yung buong kwarto, inilapag niya yung mga gamit namin sa sofa,
"pinahanda ko na rin sa kabila yung room ni Kyle.."
kunot noong napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya,
"room ni Kyle??" ulit ko,
"yeah.." nag-iwas niya ng tingin saken,
sinenyasan ko si Brix na sumunod palabas ng kwarto at iniwan ko si Kyle sa loob, isinara ko yung pinto para hindi niya marinig yung usapan namin,
"ano nanaman to Brix?? diba napag-usapan na natin, wala kang sasabihin sa anak ko.." pabulong na tanong ko,
"I didn't say anything.." simpleng sagot niya,
"eh anong ibig sabihin nito?? andito kami dahil magtatrabaho ako sayo at hindi para magpaka-ama ka sa anak ko.. so stop acting like a good father here when we both know that you're not.."
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara