13.2

6.1K 141 5
                                    

"Cecil, napansin mo bang naglalaro dito sa baba si Kyle??" tanong ko kay Cecil na may dalang mga labahin,

katatapos ko lang magluto ng hapunan at ngayon hinahanap ko nanaman ang makulit kong anak,

"hindi po Ma'am eh, simula nung dumating kami galing sa school dumiretso na agad yun sa taas.." sagot niya,

tumango nalang ako, siguradong andun nanaman yun sa kwartong puno ng mga laruan, yung kwartong gustong ibigay sa kanya ni Brix pero.. pinipigilan ko..

makasarili na kung makasarili, ayoko lang namang mapalapit silang dalawa sa isa't isa eh, ayokong pati si Kyle mawala saken at hindi malabong gawin yun ni Brix,

kaya hangga't maaga pa, hindi ko hahayaang mapalapit sa kanya ang anak ko,

lalo na't hindi pa ko nakakahanap ng paraan para makawala kanya,

aakyat na sana ako para tawagin na si Kyle nung biglang mag-ring yung cellphone ko,

tumatawag si Aaron kaya sinagot ko na muna yun, lumabas rin ako ng bahay para mas magkaintindihan kami,

[hi..] bungad niya,

"tapos na trabaho mo??"

[yeah, sobrang nakakapagod, you?? how was your day?? and uhm.. h-how was your work??]

medyo matagal bago ako nakasagot, tinanong ko muna yung sarili ko kung ayos lang ba talaga ako,

huminga ako ng malalim,

hindi ko lang talaga alam kung anong nararamdaman ko at kung ano bang dapat kong maramdaman pag andyan si Brix,

yun lang siguro ang problema ko, pati sarili ko hindi ko na maintindihan..

"m-maayos naman.." tipid na sagot ko nalang,

[are you okay?? Harrah just tell me kung may problema, I will always be there kung.. kung hindi ka na masaya diyan.. s-sa trabaho mo..]

exaggerated naman to masyado,

"ikaw naman, hindi naman ako inaapi dito no, ano ka ba.." natatawang sabi ko sa kanya,

[I'm just worried for you and Kyle, gusto ko lang namang palagi kayong okay..]

kumunot yung noo ko, bakit naman ganito magsalita ang isang to??

parang akala mo palaging may mangyayaring masama samen,

kung dati yun din ang palaging nasa isip ko, ngayon hindi naman na masyado,

more than a week na kami dito pero ni minsan hindi pa naman kami nasaktan ni Brix,

[a-anyway, are you free this Sunday??]

wala akong trabaho nun,

"oo, bakit??"

[that's my day off, let's go to the mall or somewhere na makakapag-enjoy si Kyle, what do you think??]

hindi ko na inintindi yung mga weird niyang tanong kanina, parang na-excite naman akong mamasyal sa sinabi niya,

"sige ba, pero pwede bang ahm.. magkita nalang tayo sa mall?? para naman hindi hassle sayo.."

hindi niya ko pwedeng sunduin dito, hindi ko pa alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya yung sitwasyon,

[o-okay, so its settle then?? may family bonding tayo bukas..] sinundan pa yun ng tawa niya sa kabilang linya kaya natawa na rin tuloy ako, puro talaga kalokohan,

kung sana nga.. kung sana nga kami nalang talaga ang family..

nagkwentuhan pa kami saglit tapos nagpaalam na rin siya para magpahinga,

pumasok naman na ako sa loob ng bahay at umakyat na sa hadgan para tawagin na si Kyle,

nasa tapat na ko ng pintuan nung kwartong palaging pinupuntahan niya nung marinig ko yung boses niya na parang may kausap kaya hindi muna agad ako tumuloy sa pagpasok,

"is he already dead??" boses ni Kyle,

sumilip ako sa nakaawang na pinto at nakita ko si Brix na naka-upo sa sofa at kandong-kandong ang anak kong may hawak na laruang sasakyan,

"no, ofcourse not.." sagot ni Brix,

kumunot yung noo ko, anong pinag-uusapan nila??

"where's your son then??"

nabigla ako sa sunod na tinanong ni Kyle, balak ko na sanang sumingit sa usapan nilang dalawa kasi baka kung saan pa mapunta yun nung marinig ko yung malungkot na tono ng boses ni Brix na sumagot,

"he's.. he's with his Mom.." kita ko pa mula dito yung malungkot niyang ngiti habang nakatingin at nakikipagkwentuhan kay Kyle,

malungkot?? siya?? psh..

"why aren't you with them then??" sunod na tanong ng anak kong walang kaalam-alam sa mga nangyayari,

"because.. I'm.. I'm a jerk.. I made a lot of mistakes.. especially to my wife.."

buti alam mo..

at wife??

halos matawa ako sa narinig, ngayon ko lang ata narinig na in-address niya ko as his "wife",

"oh.. that's why they left you??"

umiling si Brix..

"they didn't left me, I.. I am the one who left them and I.. already regret what I did.. I really do.."

naikuyom ko yung kamao ko pagkarinig nun,

"huh?? but why did you left them??" nagtatakang napatitig sa kanya ang inosente kong anak,

"its a long story to tell, how about you?? w-where's your Dad??"

long story to tell?? mahirap bang ikwento na may iba siyang mahal at kahit kelan hindi niya minahal yung ina ng anak niya kaya niya sila iniwan,

at anglakas pa talaga ng loob niyang itanong yun sa anak ko ah,

"I don't know, my Mommy said, he's in a far, far away place and we need to ride in an airplane first before we get there.." sagot ni Kyle sa kanya,

"really, d-do you miss him??"

"even though I don't know him yet, ofcourse I do but I don't think he feel the same.."

kumunot yung noo ni Brix,

"why not??"

"because if he really missed me, if he really love me and Mommy, he should be in my preparatorian and kindergarten graduation, he should be in my 1st, 2nd, 3rd, 4th, 5th, 6th and 7th birthday.." binilang niya pa yung seven na yun sa daliri niya, "he should be in our home every christmas and new year, he should be the one bringing and fetching me to school, he should be always in our side, diba that's what Daddies should do?? but he never did that, in fact I never saw his face even once.." malungkot na kwento ni Kyle,

bumagsak yung balikat niya at ipinatong niya na sa hita niya yung hawak niya kaninang laruang sasakyan na parang nawalan na siya ng ganang maglaro..

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon