nakatayo siya dun at nakatitig lang saken, hindi pa rin siya nagbibihis, ganun pa rin yung suot niya nung dumating siya pero wala na yung coat at necktie, yung white na long sleeve nalang na nakabukas yung tatlong butones mula sa taas,
nagsimula namang bumilis yung tibok ng puso ko, katulad ng palagi kong ginagawa kapag andyan siya, tumingin-tingin ako sa paligid para tignan kung may iba pang tao,
mas dumoble yung kaba ko nung makitang kami nalang dalawa ang andito sa garden,
kanina pa ba siya andiyan??
"a-anong k-kailangan mo??" kinakabahang tanong ko sa kanya,
"can we.. talk??" humakbang siya palapit kaya napaatras ako,
nalipat yung tingin ko dun sa shot glass na hawak niya,
naka-inom siya or worst baka lasing na siya,
"n-no, h-hindi pwede.." mabilis akong umiling,
hindi ako makikipag-usap sa kanya lalo na't ganyan ang ayos niya ngayon,
medyo magulo yung buhok niya at mapupula na rin yung mga mata niya,
"I just want to talk to you.." malumanay yung tono ng pananalita niya pero hindi nun nabawasan yung takot at kabang nararamdaman ko,
"B-Brix, naka-inom ka na, ayokong makipag-usap sayo, m-matulog ka nalang.." alam ko kung anong mga pwede niyang gawin kapag lasing siya at kahit kelan hindi ko nagustuhan ang mga yun,
napalunok ako at napaatras nung humakbang ulit siya palapit, nararamdaman ko na yung panginginig ng mga kamay ko at mas bumibilis pa yung pagtibok ng puso ko sa kaba,
kahit anong pagpapakalma ko sa sarili ko hindi pa rin mabawasan yung takot na nararamdaman ko,
"please Harrah.. talk to me please, let's just talk.."
bakit ba hindi siya makaintindi?!! sinabi ko na ngang hindi ako makikipag-usap sa kanya eh, mahirap bang intindihin yun?!!
nanlaki yung mata ko nung hahakbang nanaman sana siya palapit,
umiling-iling ako at lalagpasan nalang sana siya para makaalis na dun nung bigla niya kong hawakan sa braso para pigilan, nagpanic agad ako at pumiglas,
in just a touch, nagsimulang mag-flashback sa isip ko lahat ng mga nangyari 7 years ago,
yung halos gabi-gabi kong paghihirap at lahat ng pinagdaanan ko sa mga kamay niya,
pati yung pakiramdam ko nung mga oras na yun, yung takot at sakit sa tuwing sinasaktan niya ko,
bawat sampal at marahas na pagdampi ng mga kamay niya saken, parang nararamdaman ko nanaman ulit yung mga pasa, galos at sugat na kagagawan niya,
no.. hindi, hindi niya ako pwedeng hawakan, sasaktan niya lang ako, kailangan kong makalayo sa kanya!!
"no!! let go of me Brix!! wag mo kong hawakan!! bitawan mo ko!!" hindi ko na naiwasan yung pagtaas ng boses ko,
wala na kong pakeelam kung may makarinig basta ang mahalaga saken ngayon ay yung makalayo sa kanya, mas ayos nga yun eh para may mahihingan ako ng tulong kung sakaling pagbuhatan niya ko ng kamay,
asan na ba yung mga tao dito sa bahay?!! sila Joyce, Eya Mae, sila Manang Rose, kailangan nila kong tulungan!!
pilit ko pa ring tinatanggal yung pagkakahawak niya sa braso ko pero masyado siyang malakas at nagawa niya pa kong hilahin paharap sa kanya,
"H-Harrah, relax!! I'm not going to hurt you, calm down, I just want us to talk, look at me!!" dalawang kamay niya na ang nakahawak sa magkabilang braso ko ngayon,
hindi ko siya pinapakinggan, I don't care, wala akong pake sa mga sinasabi niya, basta ang gusto ko lang bitawan niya ko at wag na wag niya kong hahawakan,
gusto ko lang makalayo sa kanya!!
nagsimula nang umagos yung mga luha ko sa mukha ko at mas nilakasan ko pa yung pagpiglas ko,
umiling-iling ako at sinubukan ko pa siyang itulak pero hindi niya pa rin ako binitawan, mas humigpit yung pagkakahawak niya sa braso ko kaya mas lumakas yung pagbuhos ng mga luha ko,
"no!! ayoko!! sinungaling ka!! bitawan mo ko!! ayokong madikit sayo, sasaktan mo lang ako!!"
alam ko sasaktan niya ko, galit siya saken, siguradong sasaktan niya lang ulit ako,
"ofcourse not, hindi ko gagawin yun, tumingin ka saken.."
"ayoko!!"
ayokong madikit sa kanya, ayokong malapit siya saken, ayokong andyan siya, ayoko sa presensya niya, ayoko sa kanya, kinamumuhian ko ang buong pagkatao niya!!
"ayoko, lumayo ka saken!! wag mo kong hawakan, bitawan mo na ko!!"
pinagsusuntok ko siya sa dibdib at pinagtutulak,
"Harrah, stop it, I said look at me!!" hinawakan niya ko sa pisngi,
tinabig ko agad yung kamay niya, sasampalin niya ko eh, sasampalin niya ako,
nabigla ako nung niyakap niya ko,
napahagulgol ako, sinubukan kong pumalag at pilit siyang itulak palayo pero mas malakas talaga siya kaysa saken kaya wala akong magawa, hindi ako makawala sa yakap niya,
pilit pa rin akong nagpupumiglas pero nanlalambot na ko, nanghihina na ko,
mas lumakas yung pag-iyak ko nung isiksik niya yung mukha niya sa leeg ko at mas humigpit yung yakap niya,
"p-please, tama na, b-bitawan mo na ko, w-wag mo kong s-sasaktan.."
pilit kong kinakalma yung sarili ko pero hindi ko na kaya, hindi na ko makahinga, nakakaramdam na rin ako ng hilo, nanlalabo na yung paningin ko,
habang nakayakap siya, mas lumalakas pa yung tibok ng puso ko sa takot at kaba kasabay ng paulit-ulit na pagbabalik ng lahat ng ala-ala sa isip ko,
"ssshh.. hush Harrah, its okay.." yun nalang ang huli kong narinig mula sa kanya bago ako unti-unting nanghina at nawalan ng malay..
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara