CHAPTER 9.1

6.6K 159 1
                                    

"Kyle??"

nasaan na ba yung batang yun??

kakaluto ko lang ng dinner at kararating naman ni Brix galing sa trabaho kaya inakyat ko nalang yung pagkain naming dalawa ni Kyle para hindi na namin siya makasabay,

tapos ngayon, hindi ko naman siya mahagilap, kung saan-saan siguro nagsususuot yun, binilinan ko na nang wag lalabas-labas ng kwarto eh, makulit talaga,

iniwan ko na muna yung tray ng pagkain namin sa sidetable bago lumabas ng kwarto para hanapin dun yung anak ko,

baka kung saan pumunta yun, andito pa naman na si Brix, tss..

balak ko na sanang isa-isahin yung mga kwarto nung mapansin kong nakaawang yung dulong kwarto kaya dun muna ako unang dumiretso,

kumunot yung noo ko nung naabutan ko dun si Kyle na naglalaro at kausap si.. Brix..

"wait Tito, I'll just get my notebooks.." bumaba siya sa color blue na kama at lalabas na sana pero napatigil nung makita niya ko,

"H-Harrah.." napatayo din si Brix,

hinawakan ko agad sa kamay ang anak ko at hinila papunta sa likod ko,

"Mommy, Tito Brix said that he's going to teach me on my homeworks.."

hindi ko pinansin yung sinabi ni Kyle, sinamaan ko muna ng tingin si Brix bago bumaling sa anak ko,

"kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala, tara na, kakain na tayo.." kinuha ko yung hawak niyang laruang robot at pinatong sa pinakamalapit na lamesang nakita ko,

hihilain ko na sana siya pero ni hindi siya humakbang,

"but Mommy-- "

"you don't need his help.." madiin na sabi ko, "ako na ang tutulong sayo sa mga homeworks mo, let's go.." tinuloy ko na yung paghila ko sa kamay niya at hindi na pinansin si Brix na nakatayo lang sa gilid nung kama at nakatingin samen,

"bakit ka ba kasi andun??" tanong ko kay Kyle nung makalabas na kami ng kwarto,

"room daw yun ng anak ni Tito Brix and he allowed me to play there, he told me that I can play there whenever I want kasi hindi pa naman daw ginagamit, Mommy do you know where his son is??"

bahagya akong natigilan at nag-isip agad ng pwedeng isagot,

"d-diba palagi kong sinasabi sayo na wag mong masyado kinakausap si Brix at kapag andito na siya sa bahay sa kwarto ka lang?? bakit hindi mo sinusunod si Mommy??"

hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya kaya dinaan ko nalang sa sermon, alangan namang sabihin kong kwarto niya dapat yun at siya ang anak ni Brix,

nasa katinuan pa ko para gawin yun at hangga't kaya ko poprotektahan ko siya sa lalaking yun,

"sorry Mommy.." yumuko siya,

napabuntong hininga nalang ako at hinila na siya papasok sa kwarto namin, wala naman talaga siyang kasalanan eh, kami lang talaga ni Brix ang may issue pero hindi maiwasang hindi siya madamay dahil anak.. namin siya..

sabay na kaming kumain tapos sinamahan ko na siyang gawin yung mga homeworks niya, mukhang nakalimutan niya na rin yung nangyari kanina kasi ganado na ulit siya,

pagkatapos nun pinagawa ko na sa kanya yung mga dapat niyang gawin bago matulog, tatabi na rin sana ako sa kanya nung makatulog na siya kaso biglang nag-ring yung cellphone ko,

tinignan ko yung caller ID, napangiti ako nung mabasa ko yung pangalan ni Aaron, lumabas na muna ako ng kwarto para sagutin yun, baka kasi magising ko pa si Kyle eh,

bumaba ako at dumiretso sa garden, 10pm na, tulog naman na siguro yung mga tao dito sa bahay,

"hello??" tinapat ko sa tenga ko yung cellphone,

gabi-gabi talagang tumatawag si Aaron kahit madalas saglit lang kaming nakakapag-usap dahil late na,

[hi, kakatapos ko lang gawin yung mga paper works na iniutos ni Dad, how was your day??] pangungumusta niya,

"ayos lang naman, ikaw?? halatang pagod na pagod ka ah.." medyo malamya na kasi yung boses niya at halatang inaantok na,

[yeah, medyo.. habang tumatagal kasi dapat mas maging perfect pa yung mga ginagawa ko sa office.. si Kyle, kamusta siya?? can I fetch you this Sunday??]

"h-ha?? uhm.." hindi pwede, hindi niya muna pwedeng malaman yung tungkol kay Brix, hindi muna sa ngayon, "m-magkita nalang siguro tayo sa mall, are you sure hindi ka busy ng Sunday??"

hindi pa ko handang ipaalam sa kanya lahat ng tungkol sa nakaraan ko, baka mag-freak out pa siya pag nalaman niyang nagtatrabaho ako ngayon sa ama ng anak ko, tsaka paano ko naman ipapaliwanag sa kanya na yung ex-husband ko ay ang fiance ng kapatid niya??

[never akong magiging busy pagdating sa inyo..]

natawa ako sa pambobola niya at napailing,

"loko ka, sige na, gabi na, good night na, I'm sure pagod ka maghapon sa trabaho mo, magpahinga ka na.."

[kaya nga tinawagan kita eh, pagod ako sa maghapong trabaho, alam mo namang boses mo palang full charge na ko..]

"sira, wag mo kong dinadaan sa paganyan-ganyan mo, bolero.."

[hindi ako bolero, honest lang, sige, baka pagod ka rin eh, good night.. I love you..]

hindi ako nakasagot sa sinabi niya, hindi ko naman pwedeng sabihing 'I love you too' gayong hindi naman ako sigurado sa nararamdaman ko,

oo, mahal ko siya, pero bilang isang kaibigan lang.. gusto ko siya pero hindi pa pumapasok sa isip ko na higitan pa yun..

siguro kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kaya ulit magtiwala at ibigay yung sarili ko ng buo, hindi pa ko handa,

nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya, akala ko nga patay na eh, pero nung tinignan ko meron pa,

nakarinig ako ng buntong hininga bago ulit ang bigong boses ni Aaron,

[s-sige, good night ulit, take care..]

napapikit ako ng mariin at tinignan ko ulit yung cellphone, pinatay na ni Aaron,

I'm sorry Aaron.. I'm sorry, I'm sorry kung hindi ako makasagot..

in-exit ko na yung cellphone ko at babalik na sana sa kwarto namin nung pagtalikod ko bumungad saken si Brix kaya napahawak ako sa dibdib ko sa gulat..

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon