Naramdaman kong may mga kamay na bahagyang yumuyugyog sa balikat ko,
unti-unti akong nagmulat ng mga mata, nakasubsob pala ako sa armrest ng sofa,
napalingon ako sa kaliwa ko at dali-daling napabangon nang makita ko si Brix,
"B-Brix.." tinitigan ko siyang mabuti at hindi ko alam kung hahawakan ko ba siya o ano,
kinusot ko pa ang mga mata ko kasi baka mali lang ako ng nakikita, mukhang nakatulugan ko kasi ata ang pag-aantay sa kanya,
nang makasigurong hindi siya nawala sa paningin ko at tunay nga siya, may sarili atang buhay ang mga braso ko at bigla nalang akong napayakap sa kanya,
ramdam kong nanigas siya sa kinauupan niya dahil sa pagkabigla sa ginawa ko,
nang mahimasmasan ay natauhan din ako sa nagawa ko at napalayo agad ako sa kanya,
"I-- I'm sorry, k-kagigising ko lang kasi kaya-- kaya wala pa ko sa s-sarili.." katwiran ko,
napa-iwas ako ng tingin sa kanya dahil sa kahihiyan,
bakit ko ba kasi nagawa yun eh?!!
napakagat ako sa ibabang labi ko at pinigilan ko ang mga kamay kong mabatukan ang sarili ko,
"its okay, why are you sleeping here by the way??"
pansin kong mahina at paos ang boses niya pero hindi ko na yun pinuna,
uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa tanong niya,
off course, I won't going to admit na hinihintay kong dumating siya, why would I do that in the first place right??
kahit ako hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit kailangan ko pa siyang hintayin,
maybe because of conscience??
"a-anong oras ka dumating??" tanong ko nalang para maiba ang usapan,
"ngayon-ngayon lang, I'm sorry I need to wake you up because I'm too weak to carry you upstairs.."
napatingin ako sa kanya, sobrang tamlay nga ng itsura niya, ganun pa rin ang ayos niya kagaya ng kanina, naka-beach shorts lang siya at wala pa rin siyang pang-itaas pero may puting tuwalya na ang nakabalot sa balikat niya,
namumuti na ang labi niya, gulo-gulo ang basa pa niyang buhok at mapupungay na rin ang mga mata niyang namumula,
gustuhin ko man siyang kamustahin at tanungin kung anong mga nangyari sa kanya kanina, hindi ko naman alam kung paano magsisimula,
napa-iwas ulit ako ng tingin nang magkatinginan kami,
"where's Kyle??" pabulong na tanong niya,
tumayo naman na ako,
"n-nasa kwarto na siya at natutulog.." sagot ko,
tumango-tango naman siya at tumayo na rin,
"how i-is him?? c-can I see him??"
hindi na ko kumibo at nauna nalang na naglakad paakyat sa hagdanan, ramdam ko namang nakasunod lang siya sa likuran ko,
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara