nang maamoy ko ang pamilyar na pabango niya, nagsimula nang magbagsakan yung mga luhang kanina ko pang pinipigilan,
"A-Aaron.." niyakap ko siya pabalik at doon ako humagulgol sa dibdib niya,
nahihiya man akong ipakita sa kanyang umiiyak ako, wala na kong choice, mas sumiksik nalang ako sa dibdib niya para hindi niya makita yung mukha ko,
"ssshhhh.." yun lang ang naririnig ko mula sa kanya,
naramdaman ko yung paghagod ng kamay niya sa buhok ko at mas paghigpit ng yakap niya saken,
ilang minuto din kaming nasa ganung posisyon, umiiyak lang ako habang tahimik lang rin siya,
maya-maya pa humiwalay na ko sa pagkakayakap sa kanya nung medyo gumaan na yung pakiramdam ko,
pinunasan ni Aaron yung mga luha ko pero hindi pa rin siya kumikibo,
"sorry, n-nadumihan pa tuloy ng luha ko yung polo mo.." sabi ko habang pinapagpagan yung basang part ng dibdib niya,
"kahit singahan mo pa yan ayos lang basta ikaw.." sagot naman niya,
"sira ka talaga.." pabiro ko siyang hinampas sa braso,
napatigil siya sa pagpunas ng luha ko, napansin kong nakatingin siya sa bandang likuran ko kaya lilingon na din sana ako pero hinila niya na ko at inakbayan,
"let's go.." nagsimula na kaming maglakad nung may maalala ako kaya napatigil ako,
"s-sandali, nakakahiya, magpapaalam muna ako sa parents mo-- " napansin ko kasing papunta na sa kotse niya yung direksyon namin, ayoko namang magmukhang bastos sa parents niya na pagkatapos mag-walkout eh aalis nalang ng walang paalam,
tumalikod na ko para sana bumalik nung matanawan ko si Brix na naglalakad papasok sa main door,
teka.. kanina pa ba siya andun??
ibig sabihin nakita niya yung pag-iyak ko?? alam niya kayang dahil nanaman yun sa kanya??
psh, as if may pake naman siya..
"tatawagan ko nalang si Nicole for them to know na umalis na tayo, sinusumpong na si Kyle dun, inaantok na ata.." hinila na ako ni Aaron at tumuloy na kami sa paglalakad palapit sa kotse niya,
pinagbuksan niya ko ng pinto, naabutan ko namang nakatulog na pala si Kyle sa back seat pagkapasok ko,
habang nasa byahe pauwi, tahimik lang akong nakatingin sa bintana at pinagmamasdan yung mga nadadaanan namin,
"are you okay?? pasensya ka na sa mga tanong ni Mom, masyado lang talaga yun mausisa, curious siguro kung bakit sa sobrang ganda mo naging single mom ka.." basag niya sa katahimikan,
okay na sana eh kung hindi niya lang hinaluan ng pambobola niya, sinamaan ko nga ng tingin,
at ang mokong, tinawanan lang ako,
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara