2.3

8K 177 0
                                    

Monday na ngayon at wala na si Aaron sa restaurant,

mamaya ko na rin mame-meet yung kapatid niya na magiging temporary manager ng restaurant, sana lang talaga mabait siya at makasundo agad siya ng lahat,

hinatid ko na muna si Kyle sa school bago dumiretso sa restaurant para magtrabaho,

maya-maya pa in-announce na din nung head chef namin sa kitchen na dumating na daw yung temporary branch manager kaya tumigil muna ang lahat sa kanya-kanya naming ginagawa at hinintay na pumasok siya sa kitchen,

kinakabahan ako at alam kong ganun din ang mga ka-trabaho ko, hindi ako mapakaling inaayos yung apron ko kung gusot ba o may stain na,

halata na rin ang pagkabalisa sa itsura ng mga kasamahan ko sa kitchen habang naghihintay,

maka-ilang beses pa ngang nagpunas ng kamay at nag-ayos ng buhok yung iba eh,

bumukas na yung pinto ng kitchen at halos malaglag ko yung kutsilyong hawak ko nung makita ko kung sino ang pumasok,

natigilan ako at nanigas sa kinatatayuan ko,

kilala ko siya, kilalang kilala..

si Nicole..

si Nicole Guevara..

pero I doubt kung kilala niya ko dahil sa pagkakaalam ko umalis agad siya papuntang ibang bansa nung malaman niyang ikakasal na sa iba si Brix,

pero mas ikinabigla ko pang.. kasunod niyang pumasok ang ex-husband ko,

agad na pinatong ko sa ibabaw ng table yung kung anumang mga hawak ko dahil nakaramdam ako ng panginginig,

hindi ako makapaniwala at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko,

napalunok ako nang magtama ang paningin namin, kita ko yung pagtitig saken ni Brix kaya nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya,

pinilit kong tumindig ng normal kahit pakiramdam ko nanghihina na yung tuhod ko,

magpapanggap nalang siguro akong hindi ko sila kilala, mas mabuti na siguro yun kaysa magpaapekto ako sa presensya nila,

hindi ko siya kilala.. tama, wala akong kilalang Brix..

sinong niloko ko?? sarili ko..

lahat ng madaanan ni Nicole at Brix bumati sa kanila at ganun din ako pero nakayuko ako dahil hindi ko sila kayang tignan,

hindi ko kayang tignan ang dalawang taong naging dahilan ng lahat ng paghihirap at pagdurusa ko sa nakaraan,

alam kong walang alam si Nicole dun pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng ganito sa kanya dahil siya ang dahilan kung bakit nasayang lang yung isang taong pagtitiis ko nun kay Brix, siya ang dahilan kung bakit kami iniwan ni Brix, siya ang dahilan kung bakit lumaking walang ama ang anak ko,

pero sabagay, hindi ko dapat isisi sa ibang tao ang mga sinapit ko sa nakaraan kasi higit sa lahat ng yun, ako may desisyon at ako ang may kasalanan,

nagpakilala lang si Nicole samen at ipinakilala niya rin si Brix bilang fiancee niya pagkatapos umalis na rin sila kaya tinuloy na namin yung trabaho namin,

huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy sa ginagawa dahil pakiramdam ko hindi ako nakahinga sa buong oras na andito sila,

is this for real??

parang hindi ako makapaniwala na.. si Nicole ang kapatid ni Aaron,

pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana??

bakit kailangan ngayon pa kung kelan akala ko okay na ang lahat??

napabuntong hininga nalang ako sa dami ng iniisip ko, hindi ko alam kung kakayanin ko ba silang makita at makasama araw-araw,

pero bakit naman hindi diba??

7 years na ang lumipas at may kanya-kanya na kaming buhay, masaya at okay na ko kaya hindi ko na dapat to pinoproblema,

isa pa, ikakasal na sila, talagang kinalimutan na ni Brix ang tungkol samen at wala na rin naman akong pakeelam dun,

nung nag-lunch break, dumiretso na ko sa locker room namin nung may kapalit na ko sa kusina, may baon na kasi ako for lunch para mas makatipid,

nauna nang matapos kumain yung mga kasamahan ko, yung iba naman sa kanila ay sa canteen sa labas na kumakain, high class restaurant kasi dito kaya magastos kung dito pa kami kakain,

nang mailigpit ko na yung pinagkainan ko, lalabas na sana ako ng locker room nung biglang bumukas yung pinto,

nagulat ako nung pumasok si Brix kaya napaatras ako,

nakangising sumandal siya sa hamba ng pinto at nag-cross arms,

"really huh?? hanggang ngayon pa rin pala sinusundan mo pa rin ako?? are you still that obssess to me??"

ano daw??

napakunot yung noo ko sa sinabi niya,

halos matawa ako nung mag-sink in saken yun pero pinigilan ko,

tss, conceited as ever..

5 years na kong nagtatrabaho dito kaya paanong sinusundan ko siya?? ni hindi ko nga alam na sila Nicole pala ang may-ari neto eh,

lalo namang hindi ko alam na babalik pa pala siya dito sa Pilipinas pagkatapos ng lahat ng ginawa niya, umasa kasi akong may katiting pang kunsensyang natitira sa kanya kahit alam kong wala siya nun,

umasa akong kahit papaano mahihiya siyang magpakita sameng mag-ina dahil sa pang-aabandona niya samen pero umasa lang pala ako,

angyabang na nga, angkapal pa ng mukha,

pinigilan ko nalang yung sarili kong mapairap,

ayoko na siyang patulan pa kaya yumuko nalang ako, isa pa, fiance siya ng boss ko kaya kahit hindi siya karespe-respeto kailangan ko pa rin siyang respetuhin kung gusto ko pang manatili sa trabaho ko,

pinakalma ko lang yung sarili ko bago ako nagpaalam sa kanya,

"excuse me po SIR.." dumaan ako sa maliit na space sa gilid niya at dire-diretsong naglakad patungo sa kitchen,

hindi ko na itinanggi yung mga pinagsasasabi niya, hindi ko na pinagtanggol ang sarili ko, hindi ko kailangang magpaliwanag sa kanya, sino ba siya para kausapin ko pa??

kahit gaano pa ko nanggigigil sa nakakairita niyang pagmumukha, fiancee pa rin siya ng boss ko kaya pagpapasensyahan ko nalang..

kung inaakala niyang maglulumuhod pa ulit ako sa kanya para lang balikan niya kami, kung inaakala niyang magmamakaawa pa ulit ako at kung inaakala niyang mahal na mahal ko pa rin siya,

pwes nagkakamali siya..

--

FOLLOW ME: MissTerious0021

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon