14.2

6.2K 134 2
                                    

pagkarating sa bahay, nagbayad na muna ako sa taxi at agad nang bumaba,

hindi ko na nga ginising si Kyle na mahimbing nang natutulog at binuhat ko nalang,

medyo nahirapan pa ko kasi angbigat-bigat na ng baby ko, parang kailan lang angliit niya pa,

angbilis talaga ng panahon,

nakabukas pa yung gate kaya hindi na namin kailangang kumatok, kumunot yung noo ko nung matanawang nakabukas pa ang ilaw sa sala, around 10pm na, alam ko tulog na sila Manang Rose ng ganitong oras eh,

tumuloy na ko sa paglalakad at binuksan na yung main door na hindi pa rin naka-lock,

bahagya pa kong nagulat nung makita ko si Brix na naka-upo sa sofa, nakayuko siya at nakapatong yung noo niya sa dalawang kamay niya,

nag-angat siya ng tingin pero agad na akong umiwas sa mga mata niya, tutuloy na sana ulit ako nung bigla siyang tumayo at naglakad palapit samen,

nanlaki yung mata ko at napaatras nung umangat yung kamay niya,

"a-anong gagawin mo??"

nagalit ba siya dahil ginabi kami ng uwi?? sasaktan niya ba ulit ako kagaya ng dati dahil ginabi kami??

nabitin sa ere yung mga kamay niya, bumuntong hininga pa muna siya bago umambang kukunin si Kyle saken pero niyakap ko ng mahigpit yung anak ko,

"don't worry, ihahatid ko lang kayo sa kwarto niyo, he's too heavy, ako na ang magbubuhat sa kanya.." mahinahong sabi niya,

hindi ako sumagot at tumitig lang ako sa kanya pero hindi na rin ako nakipagtalo nung kinuha niya na saken si Kyle,

parang anggaan-gaan lang nung anak ko nung siya na ang nagbuhat,

sumunod nalang ako sa kanya nung tumalikod na siya at naglakad paakyat sa hagdan,

napansin kong naka-maong pants pa siya at color black na polo shirt, either kararating niya lang o paalis palang siya, wala na akong pakeelam..

pagkarating sa kwarto, marahan niya nang inilapag sa kama si Kyle, hinalikan niya pa siya sa noo bago tumayo,

"I'll be having a meeting in Vera Castillo 3 days from now and.. I.. I want you to come with me.."

napataas yung kilay ko, niyayaya niya ba kong sumama sa kanya o inuutusan niya ko??

tsaka.. Vera Castillo??

yun ang kauna-unahang hotel and resort na ipinatayo ng pamilya namin sa Batangas kung saan magkasosyo ang mga magulang ko at mga magulang niya nung ikasal na kami,

pero pag-aari nalang nila yun ngayon..

hindi ko alam na Vera Castillo pa rin pala ang pangalan nun hanggang ngayon,

"I can't, hindi ko pwedeng iwan si Kyle dito.." ibinaba ko ang dala kong bag sa side table,

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon