Halos maghapong gumugulo sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Manang Rose at ang mga sinabi niya saken,
hindi ko maiwasang.. pag-isipan ng mabuti ang mga yun..
kahit anong pilit kong ipagsawalang bahala nalang ang mga yun, paulit-ulit pa ring bumabalik saken bawat salita,
paulit-ulit gumugulo sa isip kong.. may punto si Manang..
naisip kong.. tama siya na siguro dapat na kaming makapag-usap ng maayos ni Brix.. para sa anak namin.. at para na rin sa sarili ko.. para makalaya na rin ako sa.. nakaraang matagal ko nang tinatakbuhan..
nalaman ko kina Joyce na umalis din si Brix nung tanghali para pumasok sa office kaya nakakalabas-labas na ako ng kwarto namin at nakakalibot sa buong bahay ngayon,
madalas kasi ay palagi ko siyang iniiwasan sa tuwing andito siya,
napabuntong hininga nalang ako at tinapos na ang paghuhugas ng mga pinggan,
hindi pwedeng palagi nalang akong umiiwas, hindi pwedeng palagi nalang kaming ganito,
siguro oras na rin para magdesisyon ako, hindi lang para sa sarili at sa nararamdaman ko, kundi para na rin sa anak ko..
nang makita kong maayos na ang lahat sa kusina, umakyat na ko para puntahan si Kyle sa kwarto namin, medyo maaga pa naman kaya siguro gising pa ang batang yun,
naabutan ko siyang naka-upo sa sahig at pinaglalaruan yung train set na binili ni Brix,
nakapantulog na rin siya at pinanunuod niya lang naman yung tren na umikot ng umikot sa mahabang railings,
"baby, gabi na, tama na yan, dito na tayo sa kama.." pinagpag ko lang saglit yung kama at inaya ko na siya,
in-off niya naman na yung switch na nagpapaandar dun sa laruan niya at sumunod na saken,
niyakap ko agad siya ng mahigpit pagkahiga niya sa tabi ko,
"baby.." tawag ko sa kanya,
"stop calling me baby, Mommy, I'm not a baby anymore.." maktol niya na nagpatawa lang saken,
oo nga pala, 7 years old na siya, hindi na siya baby, angbilis kasi ng panahon eh,
hindi ko manlang namamalayang lumalaki na siya, at.. katulad ng sinabi ni Manang at ng palagi kong kinatatakutan.. malapit niya nang makita yung mga kulang sa kanya, malapit niya nang mapansing.. wala siyang ama..
o baka matagal na niyang napapansin pero hindi lang siya nagsasabi..
niyakap ko pa siya ng mas mahigpit,
"anak, may itatanong lang sana ako sayo.." umpisa ko,
tumagilid siya at humarap saken,
"uhm.. m-masaya ka ba??"
"huh??" kumunot ang noo niya,
magkatapatan na kami ngayon at mas malinaw ko nang natititigan ang mga mata niya,
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara