makalipas ang ilan pang minutong paghihintay sa tapat ng ER, bumukas na rin ang pinto at lumabas ang doktor,
tumayo agad ako at lumapit sa kanya,
"Doc, kamusta po ang anak ko??" nag-aalalang tanong ko agad,
"he's fine now, its a good thing nadala niyo agad siya dito sa hospital dahil sobrang taas na ng body temperature niya, but the problem is bakit ngayon niyo lang siya dinala??"
nagtaka naman ako sa sinabi ng Doktor,
"a-ano pong ibig niyong sabihin?? may problema po ba sa anak ko??" kinabahan ako,
"Misis, na-dengue po ang bata, and I think ilang araw na yun kaya bumaba na po ang count ng platelets niya that's why he need a blood transfusion as soon as possible, he also need to be confine tonight para ma-obserbahan siya.."
halos manlumo ako sa narinig kong paliwanag ng Doktor, malinis naman ako sa bahay kaya paanong mangyayaring na-dengue ang anak ko??
"blood transfusion?? y-yung dugo ko, kahit kunin niyo na lahat para sa anak ko.." seryosong sabi ko pero natawa lang yung Doktor,
"hindi po ganun kadali yun Misis, kailangan po muna nating i-depend sa blood type if magkapareho ba kayo ng bata, anyway type AB+ po ang pasyente.."
napahilamos ako sa mukha ko at kulang nalang sabunutan ko yung sarili ko sa sobrang frustration,
"t-type O po ako eh.."
"nasaan po ba ang ama ng pasyente?? maybe compatible sila ng bata which is very usual sa lahat ng pasyente namin na type AB+.."
what?!! no..
ama?? si Brix?? asa pa naman akong tutulungan niya ang anak ko, baka magpa-party pa yun pag nalaman niyang nasa peligro ang buhay ni Kyle eh, kasi may possibility nang matupad yung gusto niyang mangyari 7 years ago,
"w-wala po yung ama niya.." kulang nalang idagdag kong wala pong kwentang tao yung ama niya eh,
"ganun ba, I suggest pumunta nalang po muna kayo sa blood bank to check kung may stock pa sila dun or try to call any of your relatives.."
"gagawan ko po ng paraan Doc.." tumango nalang ako sa sinabi ng Doktor,
nung masabi niya na saken kung anong room # ni Kyle, umalis na rin siya at dumiretso na ko sa anak ko,
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara