CHAPTER 16

6.3K 216 11
                                    

Nang mag-hapon na ay napagpasyahan nang maligo sa dagat nila Kyle at Brix,

pinapanuod ko lang sila ngayong gumagawa ng sand castle sa buhanginan,

they have the same pair of beach shorts, slippers and goggles, may tinawagan lang si Brix kanina at dinala na yan ng isa sa mga staffs ng resort dito,

kung titignan, mukha na talaga silang mag-ama habang naglalaro at nagkukulitan dun sa tabing-dagat, lalo na ngayong pareho pa sila ng suot,

napabuntong-hininga nalang ako,

mula kaninang pagkatapos naming kumain ng tanghalian hanggang ngayon ay hindi na ulit ako kumibo, hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang lungkot sa expression ng mukha ng anak ko kanina,

kung tutuusin, alam kong madali ko lang yun mapapawi kung saka-sakaling sabihin ko man sa kanya ngayon mismo na nasa harapan lang niya ang ama niya,

pero ang hindi madali ay yung sitwasyon namin, hindi ganun kadali yun dahil ayokong umasa si Kyle, ayokong umasa ang anak ko sa isang bagay na imposible nang mangyari, sa isang buong pamilya dahil mas masakit yun..

na andyan man ang ama niya pero kahit anong mangyari at kahit anong gawin ko ay hindi na kami mabubuo, kahit kelan hindi kami magiging katulad ng pamilyang pinapanuod niya kanina..

ayokong umasa siya sa ama niyang ikakasal na sa susunod na buwan at lalong ayokong umasa siya saken gayong hindi ko na alam kung paano pa pakikitunguhan si Brix sa kabila ng lahat ng nangyari, ng dinanas ko at ng mga pinagdaanan ko..

dahil alam ko sa sarili kong.. mapatawad ko man siya, hinding-hindi na maibabalik pa ang dati..

the damage has been done, ika nga nila..

"hi Miss, do you mind if I sit here??"

napatigil ako sa pag-iisip nung may magsalitang lalaki sa kaliwa ko,

nagtatakang nilingon ko naman siya para i-check kung ako ba yung kausap niya, nakalahad ang isang kamay niya sa sun lounger na inuupuan ko,

mukhang ka-edad niya lang si Aaron, naka-beach shorts rin lang siya at hawaiian polo na nakabukas ang tatlong butones mula itaas at may shades siya sa ulo,

kumunot yung noo ko, oo at maluwag nga ang sun lounger na inuupuan ko kaya nga nagkasya pa kaming tatlo nila Kyle at Brix dito kanina pero.. napatingin ako sa paligid at madami pa namang sun loungers na bakante,

nakakapagtaka naman atang dito pa siya makiki-upo saken,

sasagot na sana ako para ituro sa kanya yung isang bakanteng sun lounger na natanaw ko sa di kalayuan nung may mauna nang magsalita mula sa likuran ko,

"Harrah, may problema ba dito??" si Brix sa malamig na tono,

kita kong nalipat sa kanya yung atensyon ng lalaking mukhang foreigner,

"hey, I'm just asking this gorgeous lady here if I can sit beside her, I really thought she's alone, are you her boyfriend??" fluent na tanong nung lalaki,

"no.." tipid namang sagot ni Brix,

"oh, good to hear, then maybe I can accompany her just for a while.." ngumiti yung lalaki,

malagkit pa siyang tumingin saken at kumindat na nagpangiwi saken,

kahit wala akong boyfriend as if papayag din naman akong makasama siya no, halatang manyakis,

isa din namang epal tong si Brix na lumapit-lapit pa wala rin naman palang maitutulong, tss,

tumayo na ako at handa na sanang tarayan yung lalaki nung maramdaman ko ang isang kamay ni Brix sa bewang ko,

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon