6.3

7.6K 188 4
                                    

"naku girl ha, nakakaloka, nabigla talaga kami nung makita namin kagabing buhat-buhat ka nung lalaking yun.." kwento ni Naomi,

"oo nga eh, halos itali pa nga namin nun sila Jenny wag lang sugurin si Brix.." dagdag pa ni Christlee,

kanina pa nila ako kinukwentuhan kung anong mga nangyari kagabi, nakikinig lang naman ako,

ilang oras na rin mula nung umalis si Brix pero hanggang ngayon naiisip ko pa rin yung sagot niya sa tanong ko kung ano ang gusto niya, tss, galing niya talagang magpatawa at manggulo,

umiling ako at pilit inalis yun sa isip ko,

"uyy problema mo?? iiling-iling ka diyan.." hinampas ako sa braso ni Naomi kaya napalingon ako sa kanya,

"ha?? ah wala, sila Jenny nga pala??" tanong ko nung maalala kong wala na sila pagkagising ko,

"umuwi na kasi may trabaho pa daw sila Jenny at Charley, tapos si Marchelle, hinahanap na ng baby niya.." sagot ni Naomi at nagpatuloy sa pag-slice ng mansanas,

inalalayan naman ako ni Christlee pababa ng hospital bed para maka-upo ako sa tabi ni Kyle, kumain na rin ako kaya medyo may lakas na ko,

"nga pala dumating kanina sina Yuuna at Angel, nagprisinta na silang kumuha ng damit niyo ni Kyle sa bahay niyo.."

Yuuna at Angel, mga kaibigan ko sila nung college, natawagan ko nga rin pala sila kagabi,

tumango-tango nalang ako bilang sagot,

pinagmasdan ko ang mukha ng anak kong natutulog at hinaplos ang buhok niya,

grabe, sobrang pinag-alala niya ko kagabi, akala ko talaga kung ano nang mangyayari sa kanya,

pinadaan ko ang hintuturo ko mula sa noo niya, sa mata niya, sa ilong niya, pababa sa labi niya, mga parte ng mukha niyang kuhang-kuha niya sa ama niya,

"M-Mommy.." nagmulat na siya ng mata niya,

nagising ko ata siya,

napalingon kami sa pintuan nung biglang bumukas yun at pumasok sina Yuuna,

"uyy, tamang-tama, gising na pala ang pinaka-pogi kong inaanak.." bungad ni Angel na may dalang mga paper bags,

inilapag niya yun sa lamesa sa gilid ng kama ko kanina at inilabas dun yung mga pagkain at mga prutas,

"eh diba nag-iisang inaanak mo lang naman si Kyle??" sabi ni Naomi na inirapan lang ni Angel,

lumapit naman si Yuuna at inabot saken yung bag na may lamang mga damit namin ni Kyle,

"Thanks.."

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon