8.3

6.6K 164 1
                                    

"mahilig po pala kayo sa mga halaman??" tanong ni Liezel saken, isa din sa mga katulong dito,

sila ni Joyce ang naka-assign ngayon sa garden,

tumutulong naman ako sa paglilinis at pag-aayos ng mga bulaklak,

magluto lang naman kasi sa umaga, tanghali at gabi ang trabaho ko, ayaw pa kong paggawin ng ibang mga gawaing bahay ng mga katulong dito,

"ah, oo.." tipid na sagot ko,

actually, ako nga ang nag-alaga sa garden na to ng halos isang taon noon eh,

"kaya po siguro pinaayos pa ni Sir Brix tong garden kasi babalik pala kayo.." wala sa sariling sabi niya habang naggugupit ng mga tuyong dahon,

natawa naman ako,

si Brix?? ipapaayos tong garden para saken?? asa naman ako..

"hindi rin, masyado namang imposible yun.." syempre, mas maganda lang kasi talaga sigurong tignan tong bahay kung may garden,

"huh?? bakit naman po??" nagtatakang lumingon siya saken,

"wala.." umiling lang ako at tipid na ngumiti nalang sa kanya,

as much as possible, ayokong pinag-uusapan ang tungkol sa nakaraan,

"tsaka bakit nga po pala ngayon lang kayo umuwi?? tsaka sino po bang ama ni Kyle?? si Sir po ba??" sunod-sunod na tanong na ni Liezel,

napatigil ako sa ginagawa ko at hindi agad nakapagsalita,

"ako din, naguguluhan po kasi talaga ako eh, magkamukhang-magmukha sila ni Sir pero bakit Tito Brix ang tawag niya imbes na Daddy??" dagdag na tanong naman ni Joyce na nagdidilig ng mga halaman,

paano naman napunta dun yung usapan?? hindi rin masyadong madaldal at mausisa ang mga to eh,

nag-iwas nalang ako ng tingin sa kanila at medyo yumuko,

"basta, m-masyadong komplikado ang lahat, mahabang storya.." sagot ko nalang,

ayoko nang pag-usapan pa at balik-balikan yung mga nangyari noon,

sabi nga nila 'past is past', nangyari na ang nangyari, kahit na ikwento ko pa ng ikwento yun kung kani-kanino, hindi na nun mababago ang lahat, isa pa hindi na yun kailangang ipangalandakan pa sa ibang tao,

hindi ko na kailangang ipangalandakan pa kung gaano ako ka-shunga noon, kung gaano ako nagpakatanga para kay Brix,

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon