CHAPTER 2.1

8.7K 211 0
                                    

"Mommy, can you buy me that ice cream??" turo ni Kyle dun sa isang stall ng ice cream,

"baby no, malamig yun, baka magka-ubo ka nanaman.."

"but Mommy, umiinom naman ako ng vitamins ko eh.. pleeeeaasse.." nag-pout pa siya at nagpa-cute, "pleeeaaase, please Mommy pleeeeaasse.."

ayan ang napapala niya kay Aaron eh, nagagaya na tuloy sa kanya tong anak ko, hindi ko pa naman siya matanggihan pag ganitong pagpapa-cute na yung ginagawa niya,

napabuntong-hininga nalang ako at tumango, feeling ko tuloy na-hipnotize ako ni Kyle sa simpleng paganun-ganun niya lang,

Sunday ngayon kaya andito kami sa mall, kagagaling lang namin sa church, hindi nga lang nakasama si Aaron kasi busy siya sa paglilipat ng mga gamit niya sa company nila pero magkikita kami ngayon dito para ipasyal ang anak ko,

nakagawian na talaga kasi namin na every Sunday since day off ko, bonding naman naming dalawa ni Kyle at ayun nga't madalas nakikisali si Aaron,

wala namang problema saken yun lalo na't napapansin kong mas nag-eenjoy yung anak ko kapag andyan siya,

pagkabili namin ng ice cream na gusto ni Kyle, tumuloy na ulit kami sa paglalakad, siguradong kanina pa naghihintay yun si Aaron,

napansin kong kumalat na yung chocolate ice cream sa bibig ni Kyle, baka humawa pa yun sa sky blue niyang polo, tss, makalat talaga tong kumain kahit kelan eh,

yumuko ako at pupunasan ko na sana yung bibig niya nung may makabangga ako,

"n-naku, sorry po Sir.." hinging paumanhin ko dun sa nabangga ko, bahagya pa kong yumuko,

nakakahiya, alam ko namang ako ang may kasalanan eh, hindi ko kasi napansin, hindi ako nag-iingat,

umupo agad ako para magpantay kami ni Kyle at tinuloy na yung pagpupunas ko ng towel sa bibig niya,

"angkalat talagang kumain ng baby ko oh.."

hindi niya ko pinansin at tuloy lang siya sa pagkain ng ice cream, natawa nalang ako, ni hindi na siya nagreklamong tinawag ko siyang baby, ganyan na talaga siya pagdating sa ice cream eh,

tumayo na ako at hihingi pa sana ulit ng sorry dun sa nabangga kong nakatayo pa rin sa harap namin hanggang ngayon nang magtama ang mga mata namin..

B-Brix??

bahagya pa akong natigilan at natulala,

tama ba ang nakikita ko??

namamalikmata ba ko?? napakurap-kurap pa muna ako para makasigurado,

after more than 7 years, ngayon ko nalang ulit siya nakita, hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa gulat,

kunot-noong nakatitig din siya saken, obviously, halatang nagulat din siyang makita ako,

napaatras ako, nalipat yung tingin niya kay Kyle na busy'ng busy pa rin sa pagkain ng ice cream,

napalunok ako at agad na hinawakan sa isang kamay si Kyle,

"h-halika na Kyle.." hinila ko na yung anak ko,

kailangan na naming umalis, kinakabahan ako,

"H-harrah-- w-wait-- " sinubukan niya kong hawakan sa braso pero iniwas ko agad yun sa kanya,

natatakot ako, baka saktan niya ko, kasama ko pa naman din ang anak ko ngayon,

nabigla siya sa reaksyon ko at magsasalita pa sana nung may tumawag na sa pangalan niya,

"Brix, hon!!"

napalingon siya sa right side niya kaya kinuha ko na yung pagkakataon na yun para umiwas, dali-dali ko nang hinila paalis yung anak ko,

hindi ko na sinubukang lingunin pa sila kasi alam ko namang si Nicole yung kasama niya,

anglakas ng tibok ng puso ko, napahawak ako sa dibdib ko at mas binilisan ko pa yung paglalakad ko, kailangan na naming makalayo agad sa kanya,

hinanap nalang namin si Aaron, pagkarating sa arcade andun na siya sa tapat at naghihintay, ngumiti siya samen at agad na binuhat si Kyle,

pilit nalang din akong ngumiti pabalik sa kanya kahit na medyo kinakabahan pa rin ako at pre-occupied ni Brix ang isip ko,

kelan pa siya nakabalik??

eto na nga ba yung ayaw na ayaw kong mangyari eh, yung magkita kami ulit dahil unti-unti nanamang bumabalik saken lahat ng pasakit na ginawa niya saken noon,

pakiramdam ko may namumuo nanamang galit sa puso ko na ayoko nang maramdaman kasi masaya na ko ngayon pero hindi ko maiwasan..

pitong taon na pero yung pakiramdam andito pa rin, hindi yung pagmamahal kundi yung takot, pakiramdam ko bumabalik nanaman saken yung bangungot ng nakaraan sa pagkakita ko sa kanya kanina..

pinanuod ko lang si Aaron at Kyle na naglalaro ng basketball,

I don't want my son to feel that same rejection na pinagdaanan ko kay Brix noon kaya gagawin ko ang lahat wag lang niyang makilala si Brix,

okay nang ako na ang masaktan minsan kaysa makitang pinagtatabuyan niya rin ang anak namin,

hindi ko naman na siguro poproblemahin pa yun kasi wala namang pakeelam si Brix sa anak namin at wala namang ding alam si Kyle tungkol sa tunay niyang ama, tanging ang pamilya ko lang at mga kaibigan ko ang nakakaalam..

sa tingin ko hindi na rin naman pang kailangang malaman ni Aaron ang tungkol dun,

siguro sa tamang panahon, kapag handa na kong tanggapin siya, kapag handa na kong ipagkatiwala sa kanya yung puso ko..

sa tingin ko malapit na rin naman na yun,

sana..

ayoko na rin kasi siyang makitang naghihintay saken dahil alam ko ang pakiramdam na yun,

yung maghintay sa wala.. ayokong maging paasa, ayokong abusuhin yung mga sinabi niyang maghihintay siya, ayoko siyang i-take for granted kasi hindi niya deserve yun,

sigurado naman na kasi akong magiging mabuting ama siya kay Kyle at sigurado na rin akong hinding-hindi niya ko magagawang saktan,

sana dumating na yung panahon na yun, yung panahong buo na ulit yung pagkatao ko at handa na ulit akong magmahal dahil hindi na ko makapaghintay na totoong maging masaya ulit..

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon