CHAPTER 21

6.6K 170 26
                                    

Nagulat ako nung bigla niya kong hinalikan kaya pumalag agad ako,

naramdaman ko ang pagbagsak namin pareho sa kama at mas ikinabigla ko nung pumaimbabaw siya saken,

"Brix-- Brix, b-b-bitawan-- bitawan-- bitawan mo ko!!" sinubukan ko siyang itulak sa dibdib pero hinawakan niya lang ang mga kamay ko at inilagay sa magkabilang gilid ng ulo ko, "Brix, a-ano ba!!"

sobrang lakas na ng tibok ng puso ko dahil sa ginagawa niya,

nalalasahan ko na ang pait ng alak sa mga labi niya at mas lalo pang lumalalim ang klase ng paghalik niya,

"Brix-- mmmmppppfff-- "

kahit anong gawin kong pagsara sa bibig ko, nagagawan niya pa rin ng paraan,

sinubukan ko nalang na itagilid ang ulo ko para maka-iwas pero pilit niya pa ring sinusundan at hinahabol ang mga labi ko,

maka-ilang beses ko na ring tinawag ang pangalan niya para tumigil na siya sa tuwing makakalanghap ako ng hangin pero parang wala lang siyang naririnig,

nahihirapan na kong huminga hindi lang dahil sa ayaw niyang tumigil sa paghalik kundi dahil sa sobrang takot na rin na nararamdaman ko,

kinakabahan na ko sa mga pwede niyang gawin,

pinipilit kong pumalag para makawala na sa kanya pero masyado siyang malakas,

nauubusan na ko ng lakas at nanghihina na ang katawan ko,

nahihirapan na din akong maigalaw ang ibabang parte ng katawan ko dahil sa bigat niya,

nakakaramdam na rin ako ng panginginig dahil sa tuwing pipikit ako..

bumabalik nanaman sa ala-ala ko ang nakaraan..

lahat.. lahat-lahat ng bangungot ko..

lahat-lahat ng mga pambababoy na ginawa niya saken noon..

yung pakiramdam at yung mga paghihirap ko..

hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko,

pakiramdam ko andun nanaman ako sa parehong sitwasyon..

yung mahinang ako, walang magawa at walang lakas,

naramdaman kong humiwalay na ang labi niya sa labi ko,

naghabol agad ako ng hininga,

akala ko natauhan na siya at titigil na siya sa ginagawa niya pero nagkamali ako,

bumaba lang pala ang halik siya papunta sa pisngi at leeg ko,

hindi ko pa rin maigalaw ang mga kamay ko kaya dinaan ko nalang sa pagmamakaawa at pakiki-usap ang pagpapatigil sa kanya,

"B-Brix, Brix, tama na, tama na, please.. p-parang awa mo na, please, t-tumigil ka na.. please.. tama na.." paulit-ulit kong sabi pero katulad kanina, parang wala pa rin siyang naririnig at tuloy pa rin siya sa ginagawa,

sobra na kong kinakabahan,

galit siya, alam ko galit siya, at.. at paparusahan niya ko.. sasaktan niya ko.. kasi.. kasi galit siya..

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon