CHAPTER 13.1

6.2K 139 0
                                    

Harrah's POV

"Mam Harrah, okay ka lang??"

napalingon ako kay Amber dahil sa tanong niya,

"o-oo naman, bakit??" sagot ko at inabot kay Eya Mae yung mga pinggan para ilagay sa Dining Area,

"kanina ko pa po kasi napapansin na wala kayo sa sarili eh.."

"ah, napuyat kasi ako, nagising ako kaninang madaling araw eh.." nag-iwas ako ng tingin sa kanya at itinuon nalang yung atensyon ko sa paglalagay ng ulam sa pinggan, "t-tapos nahirapan na kong makatulog.."

"ayy, ganun po ba?? eh bakit parang namumugto yung mga mata niy-- "

hindi na natuloy ni Amber yung tinatanong niya nung biglang sumulpot si Manang Rose,

"Amber, halika na dun, tulungan mo munang maglinis sa sala si Joyce.."

napakamot pa siya sa ulo niya bago ipinatong yung pitchel na hawak niya sa gilid ng water dispenser at naglakad palabas ng kusina,

nginitian lang ako ni Manang Rose at sumunod na rin siya kay Amber,

napabuntong-hininga nalang ako at tinuloy na yung ginagawa ko,

minsan masyado talagang matanong ang mga yun eh,

nagising nalang ako kaninang umaga na nakahiga na ko sa kama sa kwarto katabi ni Kyle pero alam kong hindi panaginip lahat ng nangyari kagabi at kaninang madaling araw,

alam kong nakatulog ako sa kakaiyak sa guest room at sa tingin ko kilala ko na kung sinong pwedeng nagdala saken sa kwarto sa taas,

pagkatapos kong ilagay yung mga niluto kong agahan sa pinggan, lalabas na rin sana ako ng kusina nung biglang pumasok si Brix,

naka-office suit na siya at halatang papasok na sa trabaho,

nagkatinginan kami saglit pero ako na ang unang umiwas at lalapagpasan nalang sana siya nung humarang siya sa daraanan ko,

napaatras ako sa gulat kasabay ng pagkabitaw ko sa mga pinggan na hawak ko,

"s-sorry.." sabay naming sabi,

yuyuko na sana ako para pulutin yung mga nabasag pero pinigilan niya ko at siya na ang umupo para pulutin mga yun,

tumayo lang ako dun at nanuod, naiilang ako sa kanya, naalala ko nanaman yung mga nangyari kagabi, yung pamimilit niyang makipag-usap at yung pagyakap niya saken,

"is that a blood??" binitawan niya yung mga piraso ng basag na pinggan at lumapit saken,

sinundan ko siya ng tingin, iniwas ko agad yung paa ko nung bigla siyang lumuhod sa harapan ko at akmang hahawakan yung binti ko,

"you've got a wound.."

napatingin naman ako sa binti kong dumudugo na pala pero hindi ko napansin, ni hindi ko nga manlang naramdaman dahil sa presensya ni Brix eh,

tinawag niya agad si Manang Rose para kumuha ng first aid kit at si Liezel para ituloy yung paglilinis dun sa mga nabasag na pinggan,

aabutin ko na sana kay Manang Rose yung first aid kit pero naunahan ako ni Brix,

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon