CHAPTER 20

6.6K 166 28
                                    

Friday..

tulala ako habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin,

its been 4 days and his words were still all fresh in my mind,

nakaayos na ko para sa birthday party ng Dad ni Aaron at alam kong.. ganun din si Brix..

syempre, hindi naman pwedeng hindi siya dumalo sa birthday party ng future father-in-law niya eh,

naka-simpleng below the knee dress lang ako na pinatungan ko pa ng blazer since sleeveless,

sinimulan ko nang suklayin ang may kahabaan ko nang buhok,

hindi ako naka-make-up dahil hindi naman ako marunong maglagay kaya medyo halata ang pangingitim ng ilalim ng mga mata ko dahil sa ilang gabi ko na ring pagpupuyat.. sa kakaisip ng lahat ng mga sinabi niya..

natawa ako ng mapakla at napailing,

"just.. just tell me that you don't want me to and I won't, please, please, just come back to me and I'll.. I'll call off the wedding, I promise, just come back to me and I'll call it all off baby.."

ano kaya yun?? gagawin niya din kay Nicole yung katulad ng pang-iiwan sa ereng ginawa niya saken noon??

kung kelan less than a month from now eh ikakasal na sila??

tss, dun naman talaga siya magaling eh..

at anong akala niya naman saken??

porke sinabi niya yun, babalik nalang ako ng basta-basta sa kanya??

nahihibang na ba siya??

akala ko pa naman matalino siya,

he really think na ganun kadali yun??

na basta nalang niyang ititigil ang nalalapit na nilang kasal at anong susunod??

malalaman ng lahat na may anak siya saken?? saken na nililigawan naman ni Aaron??

yeah, sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako na-engganyo kahit ilang segundo lang sa offer niyang yun,

sa totoo lang, that time, sobrang dami kong dahilan para tanggapin yun-- lalong-lalo na para sa anak ko,

sobra din akong naguluhan na gusto ko nalang magpaka-selfish para sa anak ko, para mabigyan ko siya ng ama at isang buong pamilya,

pero hindi eh..

hindi yun ang tamang gawin..

alam kong maling tanggapin yun dahil para saken, kahit kelan hindi naging tama ang desisyong makakapanakit ka ng ibang tao..

masasaktan niya si Nicole, masasaktan ko si Aaron, at pwede ring..

masaktan ko nanaman ang sarili ko,

nagawa niya na kong saktan noon physically and all at hindi malabong saktan niya ulit ako ngayon,

ayokong magpadalos-dalos ulit ng desisyon,

nang makita kong ayos na ang itsura ko sa salamin, dinampot ko na ang purse ko,

hinalikan ko pa muna sa noo ang natutulog ko nang anak bago lumabas ng kwarto,

naglalakad na ko pababa nang hagdan at sakto namang paakyat na rin si Cecil, siya muna ang tatabi kay Kyle hangga't hindi pa ko dumarating mamaya,

gabi kasi ang party at hindi pwedeng magpuyat si Kyle kaya hindi ko na sinama,

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon