6.2

7.6K 174 0
                                    

nagising akong masakit ang ulo at katawan, napahawak ako sa noo ko at hinilot yun,

ugh, angsakit talaga..

pakiramdam ko hinang-hina ako,

sinubukan kong imulat yung mga mata ko,

puro puti, asan ba ko??

napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko kung anong nangyari kagabi,

sa office nalang ni Dr. Hayes yung huling natatandaan ko,

hinanap agad ng paningin ko ang anak ko, paglingon ko sa kanan, andun siya at mahimbing na natutulog sa hospital bed, tinignan ko yung hinihigaan ko at sa hospital bed din pala ako nakahiga,

napatingin naman ako sa lalaking nakayuko sa gilid ng kama ng anak ko,

si Brix, may nakapatong na jacket sa balikat niya at halatang natutulog din, ganun pa din yung suot niya kagabi kasi halata kong medyo basa pa yung white T-shirt niya,

nung lumingon ako sa kaliwa, si Naomi at Christlee nalang ang nakita kong magkatabing natutulog ng nakaupo sa sofa,

bumangon ako at sinubukan kong bumaba sa hospital bed kaso nanghihina pa rin talaga ako kaya napahiga nalang ulit ako,

mukhang naramdaman ni Brix na may gumalaw kaya napa-angat yung ulo niya, nagkukusot siya ng matang lumingon saken,

nung makita niyang gising na ako, tumayo agad siya at lumapit saken,

"how are you?? h-how was your sleep?? what do you feel?? are you alright??" sunod-sunod niyang tanong saken sa tonong may.. pag-aalala?? na nagpakunot ng noo ko,

sinubukan niyang ilapat yung palad niya sa noo ko pero napa-iwas agad ako sa gulat,

"a-anong gagawin mo??"

medyo umusog pa ko sa kabilang side ng kama para makalayo sa kanya,

"I.. I was just checking your temperature, angtaas ng lagnat mo kaninang madaling araw.." mahinahong sagot niya,

kita ko sa mga mata niyang naguguluhan siya sa inasta ko, ewan, basta katulad nung nakaraan, ayoko lang madikit sa kanya,

ngayon pa nga lang na nakatayo siya malapit saken kung anu-ano nang pumapasok sa isip ko na mga pwede niyang gawin eh,

"s-si Kyle pala, yung anak ko, kamusta siya?? nasalinan na ba siya ng dugo??" tanong ko nung maalala ko yung sitwasyon ng anak ko,

sinilip ko si Kyle, hindi na siya ganun ka-putla hindi kagaya nung kagabi,

"he's fine now, as I've said, sinalinan siya ng dugo kaninang 3am.."

tumango-tango naman ako at bumangon ulit para maka-upo pero hindi ko na sinubukang bumaba,

akmang aalalayan ako ni Brix pero iniwas ko agad ang braso ko sa kanya,

"ano pa nga palang ginagawa mo dito??" hindi ko na napigilan yung bibig ko,

I know may utang na loob ako sa kanya pero baka magising na si Kyle at maabutan pa siya dito,

hindi pwede yun..

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon