"ate Harrah, mabuti nalang dumating na po kayo!! magtatawag na po sana ako tricycle sa labas eh, s-si Kyle po kasi eh-- " pinagpapawisan na siya sa pagpapanic kaya nagsimula na kong kabahan..
binitawan ko agad yung mga gamit ko at pinatong sa sofa pagkapasok namin,
"a-anong nangyari sa anak ko??" nag-aalalang tanong ko kay Aira,
mabilis akong naglakad papunta sa kwarto namin ni Kyle habang pinakikinggan si Aira,
"mas tumaas pa po kasi yung lagnat niya, t-tapos kanina ilang beses pong d-dumugo yung ilong niya.."
hindi na ko sumagot at diretso nang pumasok sa kwarto kasunod sina Aaron, nilapitan ko agad yung anak ko na nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog, hinipo ko yung noo niya,
tama si Aira, mas tumaas nga yung lagnat niya kumpara nung iniwan ko siya kaninang umaga,
"K-Kyle, Kyle.. baby, wake up, andito na si Mommy.." tinapik-tapik ko pa siya sa pisngi pero hindi nagmulat yung mata niya, "come on baby, gising na muna, iinom ka pa ng medicine at andito si Papa Aaron mo.."
nung ni hindi pa rin talaga siya gumalaw,
"A-Aaron si Kyle.." naluluhang humarap na ako kay Aaron,
lumapit agad si Aaron at hinawakan sa mukha si Kyle,
"what the-- sobrang init na niya, Harrah, dalhin na natin siya sa hospital!!" binuhat niya agad si Kyle at nagmamadali kaming tumungo sa sasakyan niya,
pinaharurot niya agad yun papunta sa pinakamalapit na hospital,
hindi na sumama si Aira at siya na daw ang magbabantay ng bahay, masyado nang occupied ng pag-aalala ko kay Kyle yung isip ko kaya tango nalang ang naisagot ko sa kanya,
tinitigan ko si Kyle na nasa kandungan ko at nakasandal ang ulo sa dibdib ko, namumutla na siya,
"ano ba kasing nangyayari sayo anak??" hinaplos-haplos ko siya sa mainit niyang pisngi,
"don't worry, malapit na tayo.." mas binilisan pa ni Aaron ang pagmamaneho,
pagkarating na pagkarating namin sa hospital, inasikaso naman agad nila si Kyle at dinala sa emergency room,
naiwan naman kaming nakatayo at hindi mapakali ni Aaron sa labas ng emergency room,
"pabaya kasi ako eh, dapat hindi ko nalang siya iniwan kanina, dapat hindi na muna ako pumasok sa trabaho, dapat siniguro ko munang magaling na talaga siya bago ako nagdesisyong umalis, dapat ako nalang yung nagbantay at nag-alaga sa kanya.."
sobrang kinakabahan na ko sa mga pwedeng mangyari kaya hindi ko na napigilan yung mga luha ko,
kasalanan ko to eh, pag may nangyaring masama sa anak ko, hindi ko mapapatawad yung sarili ko,
"sshhh.. its not your fault, its okay, magiging okay din si Kyle, magiging okay din ang lahat.." inakbayan at inalo ako ni Aaron,
"paano nalang kung may mangyari sa kanya, kung may lumala pala yung sakit niya, paano nalang kung mawala siya saken.."
hindi naman siya magkakanon kung simpleng lagnat lang yun diba??
"tss, wag mo ngang isipin yan, he'll be okay.." inakay niya ko paupo dun sa upuan na katapat lang ng emergency room,
maya-maya pa, medyo humupa na yung takot ko, hindi na ganun kabilis yung tibok ng puso ko, tumigil na rin sa pagtulo yung mga luha ko, medyo kumalma na ko,
pero hindi pa rin nababawasan yung pag-aalala ko,
tama si Aaron, magiging okay din si Kyle, matapang ang anak ko kaya magiging okay din siya, may tiwala ako sa kanya,
walang kumikibo saming dalawa, andun lang kami at naghihintay na lumabas yung doctor nung mag-ring yung cellphone ni Aaron kaya bumitaw muna siya saken at tumayo para sagutin yun,
hindi siya masyadong lumayo kaya rinig ko yung pakikipag-usap niya,
"hello Dad?? -- here at the hospital, dinala namin ni Harrah si Kyle dito, he's sick.. -- but -- no, hindi na ko sasama sa Italy, -- kunin niyo nalang sa office ko yung proposal, -- then tell Jake to present it, siya nalang isama mo.. -- you know I can't!! -- but Dad I can't leave them, -- Dad, hello?? are you still there?? hello??"
nung maibaba na ni Aaron yung cellphone niya, kita ko yung frustration sa expression ng mukha niya, halata kong problemado siya pagkatapos niyang kausapin yung Dad niya..
and I think alam ko na kung anong dahilan..
parang wala sa sariling umupo na ulit siya sa tabi ko,
"hindi ka na sasama sa Italy??" tanong ko sa kanya,
"yeah.." tipid niyang sagot,
"sumama ka.."
"huh??" takang lumingon siya saken,
"sabi ko.. sumama ka.."
"but.."
"no buts Aaron.." yumuko ako at hinawakan siya sa kamay, "I know nag-aalala ka samen ni Kyle and I appreciate it, pero.. please, sumama ka sa Italy, alam kong ilang linggo mo yun pinaghandaan at ayokong kami ang maging dahilan para hindi ka tumuloy.."
"Harrah, listen to me, mas kailangan niyo ko ni Kyle ngayon kaya-- "pinutol ko yung sinasabi niya,
"no Aaron, ikaw ang makinig saken, ayokong sayangin mo yung pinaghirapan mo para lang samen ni Kyle, Aaron please, magi-guilty lang ako kung mananatili ka dito ng may hindi kayo pagkaka-intindihan ng Dad mo.."
saglit siyang natahimik at napa-isip, bumuntong hininga pa siya bago ulit nagsalita,
"fine.. pero tatawagan kita time to time okay??"
"ang-OA naman nung time to time.."
this time, siya naman yung humawak sa kamay ko,
"promise, pupuntahan ko agad kayo pagkauwing-pagkauwi ko, hindi ako mawawala sa birthday ni Kyle.."
nakangiting tumango nalang ako sa kanya bilang sagot,
naramdaman ko pa yung paghalik niya sa noo ko bago siya tuluyang umalis, nawiwili na siya ah..huminga ako ng malalim para pagaanin yung pakiramdam ko kasi alam ko namang wala na si Aaron para gawin yun,alam kong mahalaga sa kanya yung deal na yun kaya tama lang yung ginawa ko, hindi naman kasi pwedeng kami nalang palagi ni Kyle ang inuuna niya eh..
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara