CHAPTER 4.1

8.1K 198 0
                                    

Ngayon na yung family dinner na tinutukoy ni Aaron nung nakaraan,

kinakabahan ako,

makakasama ko nanaman sa iisang bubong sina Nicole at Brix at sa iisang hapag-kainan pa,

once a month daw talaga ginagawa ito ng family nila since lahat sila may kanya-kanya nang trabaho at buhay para atleast isang beses sa isang buwan may time na magkasama-sama naman sila,

bahagya kong inayos yung collar ng polo ni Kyle na kandong ko dito sa loob ng kotse ni Aaron,

nasa byahe na kami papunta sa bahay nila, nagkukwentuhan lang silang dalawa habang ako kung anu-ano ang iniisip,

ngayon ang unang beses kong makakapunta sa bahay nila Aaron at mame-meet ang family niya though ilang beses ko nang nakita ang Dad niya tuwing nag-iinspect sila sa restaurant noon,

mabait kaya ang Mom ni Aaron?? sana nga..

maya-maya pa tumigil na yung kotse sa tapat ng isang malaking gate, automatic na bumukas yung gate kahit naka-upo lang yung guard dun sa gilid at may pinipindot,

pagkapasok ni Aaron ng kotse niya, namangha agad ako sa laki ng bahay-- este mansyon pala nila, malawak din yung harap na part at tanaw ko din yung fountain at garden sa bandang left side,

may mansyon din kami dati pero walang garden kasi allergic yung Mom ko sa ilang klase ng bulaklak kaya nga manghang-mangha ako nung unang beses akong makakita ng garden sa..

sa mansyon naman nila Brix,tss, naalala ko nanaman yung lalaking yun..

naramdaman kong hinawakan ni Aaron yung kamay kong nakapatong sa binti ni Kyle kaya napalingon ako sa kanya,

"are you okay??" nag-aalalang tanong niya,

napansin niya sigurong kanina pa ako wala sarili, ni hindi ko nga naiintindihan yung pinag-uusapan nila ni Kyle eh, hindi ko lang talaga maiwasang mabalisa habang papalapit na kami sa mansyon,

"o-okay lang ako, kinakabahan lang.." pilit akong ngumiti sa kanya,

"don't be, kasama mo ko at ako ang bahala sayo, isa pa hindi naman nangangain yung pamilya ko.." nagawa pa talagang magbiro eh hindi na nga ako mapalagay dito,

sinimangutan ko nga,

"eh hindi mo pa naman kasi ako girlfriend no, m-magkaibigan palang tayo tapos meet the family na agad??"

"tss, kahit na, ikaw yung babaeng mahal ko kaya gusto ka nilang makilala at lalo namang gusto ko yun ipagmalaki sa kanila.."

speechless..

napa-iwas ako ng tingin sa kanya at hindi agad ako nakasagot, ramdam ko yung pag-akyat ng dugo ko sa mukha ko dahil sa sinabi niya,

masyado kasing straight forward eh,

bumukas yung pinto ng kotse sa side ko, andun na pala si Aaron, di ko manlang napansin na nakalabas na pala siya,

kinuha niya si Kyle sa kandungan ko para buhatin,

"oh mamaya ka na kiligin dyan, baka ma-late pa tayo.." pang-aasar ni Aaron na sinundan pa ng pagtawa niya,

sinamaan ko nga ng tingin pagkababa ko,

"kapal mo talaga.." sinubukan ko pa siyang kurutin kaso nakailag agad siya at ang loko iniharang pa si Kyle,

tatawa-tawa naman yung anak ko habang umiilag din sa kurot ko,

"wag Mommy, nakikiliti ako dyan.. hahahah!! tama na!!"

"sige, bawi ka muna kay Papa Aaron mo!!"

"o-oyy wag, walang ganun, m-magkakampi tayo dito ah!!"

hindi siya pinakinggan ni Kyle at kiniliti pa siya sa leeg, hindi naman siya makaiwas, alangan namang ihulog niya yung anak ko diba??

natatawa na ko sa itsura ni Aaron kaya nakisali na ko sa pangingiliti sa kanya ni Kyle,

nagkukulitan kami nung biglang may tumikhim kaya sabay-sabay kaming napatigil at napalingon sa main door na nakabukas na pala,

nakatayo dun ang nakangiting si Nicole at nakabusangot na si Brix,

napayuko ako at napaayos ng tayo sa kahihiyan,

"s-sorry po Mam, SIR, k-kanina pa po ba kayo??" nahihiyang tanong ko,

"yeah, nakakatuwa nga kayong panuorin eh, para kayong happy family, anyway, no need to call me Mam here, wala naman tayo sa work eh, Nicole will be fine.." ngumiti si Nicole at parang nanunuksong tinignan ang kuya niya, "besides mukhang magiging hipag na rin naman kita eh.."

napakagat ako sa ibabang labi ko, ramdam kong mas namula pa ko sa kahihiyan,

hindi ba parang nakakailang naman yatang maging hipag ang babaeng dahilan kung bakit ka iniwan ng ex-husband mo??

"quit that Nicole, kita mong naiilang na nga si Harrah eh.." saway sa kanya ni Aaron,

"ang sabihin mo pati ikaw naiilang na rin, yieehh, kinikilig din si kuya!!"

nilingon ko si Aaron na umiiling-iling nalang,

"tara na nga, dinner is ready na, kayo nalang ang hinihintay nila Mommy, they're all excited to meet you Harrah.."

medyo nabawasan na yung kaba ko, nakalimutan ko pa ngang kinakabahan pala ako eh,

mukhang nakatulong kahit papaano yung pagkukulitan namin nila Aaron kanina,

"let's go??" hinawakan ni Aaron yung kamay ko habang bitbit niya sa kabila niyang braso si Kyle,

tumingin ako sa kanya, nginitian niya ko kaya napangiti na rin ako,

naglakad na kami palapit kina Nicole ng magkahawak ang kamay,

napataas yung kilay ko nung mapansing nakakunot ang noo ni Brix na nakatitig sa..

mga kamay namin ni Aaron??

"hon, let's go??"

mukhang natauhan naman si Brix sa paghawak ni Nicole sa braso niya,

"uh, y-yeah.." nagkatinginan pa kami bago siya tumalikod,

problema nun??

hindi naman masama yung tingin niya kaya hindi ako kinaban, alam kong andito din naman si Aaron para protektahan kami ng anak ko kaya wala akong dapat ikatakot..

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon