pagkatapos magbasketball at sumakay sa iba't ibang klaseng rides nung dalawa, napagod na rin sila sa wakas at napagpasyahan nang kumain,
"kamusta naman yung bago mong office??" simula ko,
nasa isang fast food chain kami ngayon dito pa rin sa mall,
"mas maluwag lang ng konte kumpara dun sa office ko sa restaurant.." sagot niya habang pinaghihimay ng pagkain si Kyle,
napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan sila,
mukha na kasi talaga silang mag-ama, hindi nga lang kamukha ni Kyle si Aaron,
halos lahat kasi ng features sa mukha ng anak ko nakuha niya kay Brix eh, magmula sa may pagka-singkit niyang mga mata, matangos niyang ilong, pati yung maninipis at kulay pink na labi kuhang-kuha, hindi talaga maitatangging mag-ama sila,
pero hindi naman yun ang mahalaga, hindi naman dun nasusukat ang pagiging ama na kahit kelan hindi naman nagampanan ni Brix..
"oh, nakasimangot ka na dyan?? mami-miss mo talaga ko no??" biro ni Aaron,
sinubuan ko nga ng fries, kapalmuks eh, natatawang napairap nalang ako sa sinabi niya,
"syempre naman no.." mahinang bulong ko at medyo yumuko,
"wag kang mag-alala, palagi pa rin naman tayong magkikita eh, at hindi ako mawawalan ng time sa inyo ni Kyle.." assurance niya na nakapagpangiti saken,
"sabi mo yan ah, baka mamaya makakilala ka lang dun ng ibang babae, makalimutan mo na kami.." biro ko sa kanya,
natawa naman siya,
"wala pa ngang 'ibang babae', nagseselos ka na agad??"
"hoy hindi kaya!!" tanggi ko, hindi naman kasi yun ang ibig kong sabihin eh,
pakiramdam ko tuloy namula ako sa hiya,
sinubuan ko nalang nga ulit siya ng mas madaming fries,
wala namang pake samin si Kyle na busy sa pagkain habang sinusubuan ni Aaron eh,
marunong nang kumain mag-isa yan pero hanggang ngayon spoiled pa rin siya pagdating kay Aaron,
nung maubos na ni Aaron yung laman ng bibig niya nagsalita ulit siya,
"eh kung sinasagot mo na kasi ako edi sana nagpakasal na tayo, hindi na natin kailangan maghiwalay, araw-gabi pa tayong nagkikita.."
muntik ko nang maibuga yung ice tea na iniinom ko sa sinabi niya,
hinihintay kong tumawa siya at dugtungan niya ng "joke lang.." yung sinabi niya pero wala, diretso lang siya sa pagpapakain kay Kyle at bahagya lang na nakangiti,
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara