Kyra's POV
"if I'm not mistaken, I think I already know the reason why, based sa mga kwento mo, I think she has.. she has a psychological trauma.."
tumingin ulit ako kay Harrah,
I feel sorry for her, angdami niya nang pinagdaanan lalo na sa mga kamay ng damuho kong pinsan,
nasa iisang bansa kami pero bihira lang kaming magkita at kapag nangyayari yun, palagi niya naman akong iniiwasan,
ang sagot niya saken noon, hiwalay na daw sila ni Brix kaya wala na daw kaming koneksyon,
okay lang, naiintindihan ko naman nung iniwasan niya ko, alam kong gusto niya lang makalimot kay Brix noon kaya hinayaan ko nalang siya,
besides.. witness ako sa lahat ng paghihirap niya 7 years ago, ako ang madalas gumamot kapag may natatamo siyang matinding sugat mula kay Brix, ako lang ang nakaka-usap at napaglalabasan niya ng sama ng loob,
paano ba naman, mula ata nung maging mag-asawa sila ni Brix nawalan na siya ng kaibigan, sukat ba namang ikulong lang siya maghapon sa bahay nila, bawal lumabas at makakatikim talaga siya kapag sumuway siya,
ilang beses ko na siyang kinumbinsi noon na iwan na si Brix pero wala, hindi siya nakikinig saken o kahit na kanino, basta mahal niya daw si Brix at kahit patayin pa daw siya sa bugbog ng walang hiya kong pinsan, hindi daw siya susuko,
napapa-iling nalang ako at tuwing sinusubukan kong isumbong si Brix sa mga police o sa mga magulang ni Harrah, todo makaawa naman siya saken,
wag daw, hindi daw pwede kasi baka maghiwalay sila ni Brix, ayos lang daw na masaktan siya physically and emotionally araw-araw wag lang siyang malayo kay Brix..
napa-iling ulit ako bago bumaling kay Brix, siya naman ang tulala ngayon at namumutlang nakatitig kay Harrah,
napatingin ako sa kamao niyang nakakuyom na at medyo nanginginig,
bigla siyang tumalikod, sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad palabas ng pinto,
bumuntong hininga muna ako at tumayo na para sumunod sa kanya palabas,
hindi ko na siya nakita pagkalabas ko kaya dumiretso nalang ako sa office niya dito sa dati nilang bahay ni Harrah,
nakabukas na yung pinto kaya pumasok na ko, naabutan ko siya dun na sinusuntok yung pader kaya tumakbo agad ako palapit sa kanya para pigilan siya,
"Brix ano ba?!! ano ba yang ginagawa mo?!!" sinubukan ko siyang itulak palayo sa pader pero mas malakas siya saken, hindi niya ko pinansin at tuloy pa rin siya sa pagsuntok dun,
"tumigil ka na nga!! Brix, stop it!!"
dumudugo na yung kamao niya, kita ko na rin yung mga blood stains sa pader,
hinawakan ko siya sa kamay at pilit siyang pinigilan pero tinabig niya lang ako,
sunod naman siyang lumapit sa table niya at hinawi lahat ng gamit at papeles sa ibabaw nun,
nagkalat lahat ng folders at mga papel sa sahig, nabasag din lahat ng vase at picture frames kasama na yung ilang nakaw na pictures nina Harrah at Kyle,
"Brix tumigil ka na sabi eh, ano ba?!! kumalma ka nga!!"
pinupulot ko lahat ng nahuhulog sa sahig at nilalagay sa may center table, alam ko naman kasing hindi siya titigil kahit anong pigil ko at hahawiin niya lang ulit yun kung ibabalik ko sa table niya eh,
huminga ako ng malalim at hinayaan ko nalang siyang magwala dun, ilang minuto ko rin siyang pinanuod na sirain yung mga gamit niya dito sa office niya bago siya kumalma,
maya-maya pa mukhang napagod na din siya sa pagwawala at tumigil na,
nakatingin lang ako sa kanya nung umupo siya sa tiled floor at yumuko,
napatakip ako sa bibig ko nung makita kong bahagyang gumalaw yung balikat niya at tumulo yung luha niya,
itinakip niya yung isa niyang kamay sa dalawang mata niya at nagsimula na siyang humikbi,
napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kanya,
alam kong kulang na kulang pa yan sa lahat ng nagawa niya kay Harrah noon pero habang nakikita ko siya ngayong naka-upo diyan, gusot ang suot na white long sleeves, dumudugo ang kamao habang umiiyak, ayoko sana siyang damayan, ayoko sanang maawa sa kanya kasi deserve niya naman yan pero hindi ko maiwasan,
humakbang ako palapit sa kanya at umupo sa tabi niya, ni-check ko nga muna kung may mga bubog sa sahig eh,
"tumigil ka na nga, para kang ewan diyan eh, tapos na yun, 7 years na nga ang lumipas eh, iniwan mo sila, 7 years kang wala sa tabi nila kaya wala kang karapatan.." sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin,
"you know my reasons, alam mong hindi ko ginusto yun, I was about to go back to her kung hindi lang nangyari yun.." bulong niya,
nagkibit balikat naman ako,
"yeah, yeah, whatever, but still, you have to understand her, mahirap sa kanya yung mga nangyari noon, its your fault, mahirap kalimutan yung mga ginawa mo sa kanya.." to the point na na-trauma pa siya dahil sayo,
pinulot niya yung isang basag na picture frame na may picture ni Harrah na buhat-buhat si Kyle at tinitigan yun,
"I know and I regret all of that, wala akong kwentang tao, wala akong kwentang asawa, wala akong kwentang ama, wala akong kwenta.. I don't deserve her but I can't bear seeing her with other man and hearing her mentioning other names.. I.. I really do love her and I want her back.."
wag na uy, kapal ng mukha neto, pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa kanya dati??
gusto ko sana yang isagot pero wag nalang, this time sigurado naman na akong mahal na ni Brix si Harrah at kung mabibigyan man siya ng pagkakataon, alam kong kaya niya nang pasayahin at alagaan ang mag-ina niya,
"then do it.."
parang batang suminghot-singhot pa siya bago lumingon saken, pinunasan ko muna yung blood stains na naipahid niya sa pisngi niya bago tumayo at lumapit sa book shelves niya, kinuha ko dun yung isang envelope at inilahad sa kanya,
"what are you waiting for?? do it now then, get her back.."
tumingala siya saken, tinignan niya yung envelope at kinuha yun sa kamay ko,
ngumiti siya ng mapait kahit medyo mugto pa yung mata niya,
"yeah, now.. this time, I.. I will do everything.. I will do everything to win her back.. to make her mine again.. everything.."
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara