CHAPTER 23

5.7K 117 7
                                    

"Harrah, wait, calm down-- "

hindi ko na pinansin pa ang sinasabi ni Brix at dali-dali na kong bumaba ng kotse niya,

tumakbo na agad ako papasok sa loob ng hospital,

anglakas ng tibok ng puso ko sa sobrang pag-aalala kay Aaron,

[H-Harrah, s-si Tita Jenny mo to, b-baka naman pwedeng pumunta ka dito ngayon sa hospital, H-Harrah k-kasi si Aaron, n-naaksidente-- naaksidente kasi siya kaninang madaling araw eh, Harrah, k-kailangan ka niya ngayon, p-please.. kailangan ka ngayon ng anak ko..]

ramdam kong nakasunod lang si Brix sa likuran ko pero wala na akong pakeelam kung may makakita man samen,

kung makita man kami ni Nicole o ni Tita Jenny, kung magtaka man sila kung bakit kami magkasama, bahala na, ang mahalaga mapuntahan ko na agad si Aaron,

mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko,

pinipigilan ko nalang ang mga luha ko dahil pagod na rin akong umiyak magmula pa kanina pero mukhang meron at meron pa ring mailalabas ang mga mata ko,

please, please, sana okay lang siya, sana walang nangyaring masama sa kanya, please..

naalala ko pa ang mga napag-usapan namin kagabi at.. at kung papaano ko siyang tinanggihan..

kung.. kung papaano ko siyang nasaktan sa kabila ng lahat ng mga nagawa niya para saken.. para sameng mag-ina..

yung lungkot sa mga mata niya..

natatakot ako, hindi ko alam kung papaano ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya..

pagkarating sa room na sinabi ni Tita Jenny, naabutan ko siyang umiiyak sa tapat ng pintuan,

lumapit agad siya at yumakap saken nang matanawan niya ako,

"T-Tita Jenny, bakit po kayo umiiyak?? k-kamusta na po si Aaron??" kinabahang tanong ko,

"Harrah, I.. I-- I don't know.." umiiling na sagot niya,

iginaya niya ko papasok sa loob ng kwarto kung saan naabutan ko doong nakahiga si Aaron,

napatakip ako sa bibig ko at hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko nung makita ko ang bandage na nakapalibot sa mga mata niya,

"nung magising siya kani-kanina lang, hindi niya m-matanggap na wala na siyang m-makita kaya kinailangan pa siyang turukan ng p-pampakalma ng mga doctor para huminahon siya.."

lumapit si Tita Jenny sa gilid ng kama ni Aaron at sinimulan siyang haplusin sa ulo samantalang nanatili lang ako sa kinatatayuan ko,

hindi ako makagalaw at hindi ko alam kung may karapatan ba akong lumapit sa kanya ngayon,

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon