Bumaba agad ako ng taxi pagkarating na pagkarating sa dati naming bahay ni Brix, hindi ko na inalintana yung malamig na buhos ng ulan na dumadampi sa balat ko,
wala akong dalang payong pero lalong wala na akong oras para hintayin pang tumila ang ulan,
madilim ang paligid na sinasabayan pa ng tubig at luhang pinaghalo sa mga mata ko kaya medyo malabo na ang paningin ko pero kita ko pa rin yung nakabukas na ilaw nung bahay..
ibig sabihin.. may nakatira dito,
sana lang tama ako na dito tumutuloy ngayon si Brix,
lumapit ako sa gate at nanginginig yung kamay kong pinindot yung doorbell,
naka-ilang pindot pa ko bago bumukas yung main door at may lumabas na matandang babae,
"iha, anong kailangan mo??" pasigaw na tanong niya mula dun sa pintuan,
"a-andito po ba si B-Brix?!!" pinilit kong sambitin ng maayos bawat salita sa kabila ng panginginig ng boses ko dahil sa lamig,
"si Sir Brix ba kamo?? bakit?? anong kailangan mo sa kanya??" binaba niya ang salamin niya at tinanaw ako na parang kinikilala,
"p-pakisabi po, h-hinahanap ko siya, H-Harrah po ang pangalan ko, Harrah De Vera po.."
tumango naman siya at mabilis na bumalik sa loob,
niyakap ko naman ang sarili ko, madaling araw na kaya hindi na ko nagtataka kung bakit ganito na ka-lamig,
maya-maya pa, natanawan ko na si Brix na naka-plain white T-shirt lang at pj's na nagmamadaling lumabas ng bahay,
"Harrah?!! what the-- what are you doing here?!!" sumugod na din siya sa ulan at dali-daling binuksan yung gate,
hinawakan niya ko sa braso para sana akayin papasok ng bahay pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko,
humawak ako sa T-shirt niya para kumuha ng suporta dahil pakiramdam ko babagsak na ko sa sobrang panghihina, naalala ko hindi pa pala ako kumakain ng dinner,
"B-Brix...." banggit ko sa pangalan niya, huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko at makapagsalita ng maayos, "parang awa mo na, n-nasa ospital ang anak ko ngayon, please Brix, k-kailangan ka niya ngayon.. kailangan ka ni Kyle.."
"what?!! why, what happened?? is he alright??"
umiiyak akong umiling,
"may dengue siya, h-hindi kami pareho ng blood type at.. wala na kong mahanap na compatible donor para sa kanya, m-masyado daw kasing r-rare ang type AB+.." pilit kong nilulunok bawat hikbi ko para makapagsalita ng maayos,
"I.. I'm type AB+.."
nabuhayan ako ng loob nung marinig ko ang sinabi ko,
type AB+ siya, may pag-asa na ang anak ko, magiging okay na siya,
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara