"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday Skyler!!" sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga bisita pagkatapos na pagkatapos nung kanta,
hinipan naman ni Kyle yung kandila sa cake, nasa gitna namin siyang dalawa ni Aaron, kararating nga lang ni Aaron galing sa airport at dito na agad siya dumiretso,
medyo late nga lang kasi kanina pa nagsimula yung party at magtatanghali na, tapos na yung program at ilang mga palaro,
buti nalang inabutan niya yung pagbo-blow ng candle ni Kyle,
andito lahat ng classmates at batchmates ni Kyle, pati nga yung iba kong mga pamangkin na anak ng mga pinsan ko ay andito rin eh, may na-receive daw silang invitation,
sa totoo lang pumunta lang kami dito ni Kyle to check kung totoo ba yung sinabi nung tumawag kahapon, baka kasi nanggo-goodtime lang yun pero pagdating namin, naka-set up na yung buong function hall ng resort at madaming pictures ni Kyle ang nakapaskil sa paligid,
nagsisidatingan na din ang mga bisita na yung iba'y hindi ko pa kilala kasi bihira naman akong pumunta sa school nila,
kaya nag-stay nalang kami para ituloy yung party at para na rin itanong sa mga pinsan o kaibigan ko kung sinong pasimuno,
pero mukhang hindi na kailangan kasi sa tingin ko alam ko na kung sino..
"hi Harrah!! sorry, late kami.."
napatigil ako sa panunuod kay Kyle na pinapakain ni Aaron at napatayo nung dumating si Nicole kasunod si.. Brix..
"M-Mam Nicole??"
anong ginagawa nila dito??
anong klaseng topak ba meron yung pasimuno sa party na to na pati sila inimbitahan,
"here's our gift for Kyle.." sabay abot niya ng paper bag saken na kinuha ko naman,
pilit akong ngumiti sa kaniya,
hindi ko naman nilingon si Brix na kita ko sa peripheral vision ko na nakatitig nanaman sa anak ko,
"oh Kuya, nakarating ka na pala, how dare you, you don't even inform us!!" nagtatampong sabi ni Nicole pagkakita niya sa kuya niyang katabi ko lang,
"sorry Sis, nagmamadali na kasi akong makarating dito eh, nawala na sa isip kong tawagan kayo.." natatawang paliwanag ni Aaron,
inalok ko naman silang kumain at pina-upo na sa table namin kahit hindi ako kumportableng malapit sila, ayoko namang maging bastos lalo na't boss ko pa rin si Nicole,
maya-maya pa nagsimula na yung last part netong party which is may magpe-perform na clown,
busy sa pamimigay ng give aways yung ilang mga empleyado netong resort, hindi ko naman matyempuhan yung organizer na si Michelle o kahit yung assistant niya na si Lorece para itanong kung sinong naka-usap nila para dito sa party,
busy din kasi sila sa pag-aassist dun sa mga employees kung anong mga gagawin para na rin maging maayos at mapaganda tong party,
tinabihan ako ni Aaron sa panunuod sa nag-eenjoy na si Kyle kasama yung mga classmates at kaibigan niya,
"I'm sorry.." simula niya,
nagtataka ko namang nilingon siya at kinunutan ng noo,
kalalapit niya lang, bakit siya nagso-sorry??
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara