"Tito, look, look, there's a horse over there!!" turo ni Kyle sa labas ng bintana,
hindi ko nalang sila nililingon at nag-focus nalang akong tumingin sa kabilang side naman ng bintana,
wala na rin naman akong magawa eh, kahit anong layo ko kay Kyle, kusa pa rin silang nagiging malapit ni Brix,
"where??" rinig kong tanong ni Brix, "ngayon ka lang ba nakakita ng horse??"
"no, but I haven't yet try to ride on it.."
"you want to try some other time??" tanong ulit ni Brix,
"yes, yes!!" masiglang sagot naman ni Kyle,
"okay, okay, next time, sa Tagaytay naman tayo pupunta.." pangako ni Brix at halos mapa-irap ako dahil dun,
Tagaytay?? sigurado ba siyang maisasama niya dun ang anak ko sa kanya?? no way,
ano yan?? bumabawi siya sa lahat ng pagkukulang niya kay Kyle?? sa pamamagitan ng pamamasyal?? psh,
hinayaan ko nalang silang dalawa kahit pa ayaw ko talagang mapalapit siya sa anak ko dahil wala akong magawa,
hangga't wala pa akong panlaban sa mga banta ni Brix, wala pa akong magagawa, hindi ko pwedeng isugal ang custody ni Kyle dahil alam kong mas malaki ang tyansa ni Brix pag nagkataon,
at isa pa, masyado pang bata si Kyle para pagdaanan yung posibleng magulong sitwasyon na mangyari kung saka-sakali, ayokong mahirapan ang anak ko kaya pagpapasensyahan ko nalang muna si Brix sa ngayon,
nasa byahe na kami papuntang Batangas, hapon na nung makaalis kami sa Manila dahil hinintay pa naming makauwi si Kyle kaya medyo makulimlim na sa labas dahil pa-gabi na rin,
nasa kandungan ngayon ni Brix si Kyle at kita kong nag-eenjoy silang magtingin ng mga tanawin sa labas at magkwentuhan,
nasa backseat kaming lahat dahil nagsama si Brix ng driver samantalang naka-convoy naman samen ang male secretary niya,
nang makarating sa resort, bumungad agad samen ang malaking arko sa gate palang na may nakalagay na "Vera Castillo" na nakahugis pa sa bakal at sa kulay gold na lettering,
medyo madilim na pero dahil maraming nagkikislapang ilaw ang nakapaligid sa arko ay malinaw mo pa rin itong mababasa,
bumaba na kami sa kotse at nasa may tatlong lalaki ang sumalubong samen para magdala ng mga gamit namin,
"good evening Mr. Castillo.." nakangiting bati ng babaeng may "General Manager" na nakasulat sa name plate,
napalingon siya saken at parang nagulat pang makita ako, pamilyar siya pero hindi ko na maalala dahil iilang beses palang naman akong nakapunta dito noon,
nalipat pa yung tingin niya kay Kyle na mukhang ngayon niya lang napansing karga-karga ni Brix tapos tumitig pa siya ulit kay Brix na parang sinusuri niya pa silang pareho,
tss, malamang nahalata niya yung pagkakahawig,
"good evening too Mngr. Natividad.." ngumiti si Brix sa kanya,
bumalik yung tingin niya saken,
"g-good evening Mrs. Castil--"
pinutol ko agad yung sasabihin niya, malamang ay ilan siya sa mga empleyadong matagal nang nagtatrabaho sa hotel na to at inabutan niya pa nung mag-asawa pa kami ni Brix kaya kilala niya ko,
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara