7 YEARS LATER...
Harrah's POV
"behave ka dun baby ah, be good at school, wag pasaway kay Teacher, okay??"
"fine, fine, Mom.. but will you please stop calling me baby?? I'm already 7 years old next month!!" nagkamot pa siya sa ulo na parang naiirita,
nanggigil ako sa kanya kaya pinaghahalikan ko pa muna siya bago hinayaang pumasok sa gate ng school nila,
nakangiting lumingon pa siya mula sa malayo at nag-wave saken kaya nag-wave din ako pabalik sa kanya,
nung hindi ko na siya matanawan, nagpasya na kong sumakay ng jeep para pumasok sa trabaho,
isa nalang akong cook ngayon sa isang restaurant malayo sa dating mala-prinsesang anak ng CEO ng isang malaking kumpanya,
marami nang nangyari sa lumipas na 7 years, iba't ibang pagsubok na mas nagpatibay at nagpatatag saken, kung hindi nga lang dahil sa anak ko, hindi ko na alam kung ano at nasaan ako ngayon..
***FLASHBACK
"s-sige, umalis ka ngayon, Brix, iwan mo kami, oras na lumabas ka sa gate na yan, isinusumpa ko, walang-wala ka nang babalikan!!" banta ko kay Brix,
pero ni hindi manlang siya natinag, ni hindi manlang talaga siya nag-abalang lumingon, dire-diretso pa rin niyang inilagay yung maleta niya sa compartment ng kotse niya at mabilis na naglakad papasok sa driver's seat,
napa-upo nalang ako sa sahig at napahagulgol pagkaalis ng kotse niya,
angsakit, sobrang sakit, ayos lang saken na i-reject niya ko pero paano ang magiging anak namin??
paano ko siya palalakihin ng ako lang??
anong gagawin ko pag naghanap na siya ng ama??
anong isasagot ko pag nagtanong siya??
hindi ko alam.. hindi ko na alam kung anong gagawin ko.. gusto kong bigyan ng buong pamilya ang magiging anak ko pero alam kong malabo na yun ngayon..
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara