Hindi na ulit kami nag-usap ni Brix kahit sa buong byaheng pauwi, umiiwas ako at hindi na rin naman siya nagtatangkang magsimula ng kahit anong pag-uusapan,
mabuti na rin yun,
siguro natauhan na din siya na ikakasal na siya sa babaeng mahal niya at magugulo lang ang lahat pag nalamang anak niya si Kyle,
matagal niyang hinintay ang pagkakataon na yun at siguradong hindi niya na sasayangin pa yun,
hindi siya gagawa ng kahit anong ikasisira nila, alam kong ganun niya kamahal si Nicole,
medyo maayos na ang pakiramdam niya kaya nakapagbyahe na kami bago magtanghali,
pagkarating sa bahay, pinahatid niya naman kami sa driver niya papunta sa church na dinadaluhan namin every Sunday,
pagkauwi, hindi na rin naman nagkatagpo pa ang landas naming dalawa kasi magdamag siyang nagpahinga sa kwarto niya,
hinatidan lang daw siya nila Liezel ng pagkain at si Manang Rose na ang umasikaso sa kanya,
kinabukasan naman, naghanda na kami ni Kyle dahil sasama ako sa kanya sa school para sa card day nila at kaunting meeting na din,
pareho na kaming nakabihis at pababa na ng hagdanan nung matanawan ko si Brix sa dulo,
mukhang papasok na siya sa opisina dahil naka-suit na siya at inaayos ni Manang Rose ang necktie niya,
"oh Harrah, may lakad kayong mag-ina??" bungad ni Manang Rose pagkababa namin kaya pati si Brix napatingin na din samen pero pinanatili ko ang atensyon ko kay Manang,
"opo, card day po kasi ni Kyle, nakapagluto na rin naman po ako kanina ng breakfast at baka makauwi na rin naman po ako bago pa maglunch.." sabi ko na parang nagpapaalam na rin kay Brix kahit hindi ko siya tinitignan,
tumango-tango naman si Manang, tipid lang akong ngumiti at didiretso na sana palabas nung magsalita si Brix,
"hatid ko na kayo, bihira ang dumadaan na taxi dito ng ganito kaaga kaya mahihirapan pa kayong sumakay diyan, sa labas pa ng subdivision ang sakayan.."
hindi pa ko nakakasagot eh masayang tumalon-talon na si Kyle at agad na lumapit kay Brix,
"oo nga naman, Harrah, anak, mabuti pa sumabay na kayo kay Brix.." dagdag din ni Manang,
napabuntong-hininga nalang ako,
wala na kong nagawa kundi sumunod sa kanila palabas ng bahay dahil buhat-buhat na ni Brix ang anak ko,
pagkasakay sa kotse, nagpaalam lang kami kay Manang at pinaandar na ni Brix ang sasakyan,
si Kyle ang umupo sa front seat at ako ang sa backseat,
as usual, wala pa rin kaming kibuan at silang dalawa lang ni Kyle ang nagkukwentuhan,
pagkarating sa school, nagpasalamat lang ako kay Brix at sabay na kaming bumaba ng anak ko pero nagtaka ako nung pinaandar lang ng kaunti ni Brix yung kotse niya at inihelera dun sa iba pang mga sasakyan kung saan pwedeng mag-park,
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara