"should I start to wish to be always be sick everyday.."
huh??
kunot-noong nalipat ang tingin ko sa mukha niya nang hindi ko naintindihan ang sinabi niya,
sinubukan kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero mahigpit niya lang yun na hinawakan,
"..just for you to be always be this close to me??" dagdag niya na diretsong nakatingin pa sa mga mata ko,
saglit pa akong natigilan habang pinoproseso sa isip ko ang sinabi niya,
nang makuha ko kung anong ibig niyang sabihin, napataas ang kilay ko,
"should I start to wish to be always be sick everyday.. just for you to be always be this close to me??"
bumabanat ba siya??
ano bang pinagsasasabi niya?? nagdedeliryo na ba siya??
gusto ko sanang matawa pero hindi nalang ako kumibo at tuluyan nang tinanggal ang pagkakahawak ng kamay niya saken,
ayaw niya pa sana yong bitawan kundi pa tinawag ni Kyle ang atensyon naming dalawa,
"Tito!! Mommy!!"
sabay kaming napatingin kay Kyle, iniharap niya samen ang cellphone ni Brix at nasa front camera yun,
"smile!!" pinindot niya ang capture at kuhang-kuha dun ang hindi maipintang mukha ni Brix sa pinaghalong pagkabigla at pagtataka nang makita ang itsura niyang punong-puno ng mga drawings ng pentelpen,
"what the??" hindi makapaniwalang napatingin siya kay Kyle na kasalukuyan nang humahagikhik,
hindi ko na rin napigilan ang sarili kong tumawa dahil dun,
nalipat ang tingin niya saken,
kita kong natulala siya saglit habang nakatitig sa mukha ko,
medyo nailang ako nang magkatinginan kami kaya napatigil ako sa pagtawa,
kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-iwas na ng tingin sa kanya, bumaling nalang ako sa tray sa ibabaw ng sidetable at inayos nalang yun,
kita ko naman sa gilid ng mga mata kong humarap na ulit siya kay Kyle,
"who did this??" nagbabantang tanong niya kay Kyle,
tatanungin pa talaga kung sino, kaming tatlo lang naman ang andito, alangan namang ako??
"don't you like it Tito?? you said my drawings are good!!" tatawa-tawang katwiran ni Kyle,
"do I look like a paper where you can draw with?? huh?? come here, lagot ka saken!!"
tatalon na sana pababa ng kama si Kyle para tumakas nang maabutan siya ni Brix at mahawakan sa bewang,
walang kahirap-hirap siyang naibalik ni Brix sa pagkakahiga sa kama at sinimulang kilitiin,
pilit bumabangon si Kyle pero mas malakas si Brix kaysa sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi tumawa nalang ng tumawa habang kinikiliti ni Brix,
"Tito, Tito Brix, stop it!! Tito!!" sinundan pa yun ng malakas niyang tili na parang babae habang hinihingal na sa kakatawa,
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara