CHAPTER 14.1

6.3K 130 3
                                    

"Papa Aaron!!" masayang tumakbo papalapit si Kyle kay Aaron na agad naman siyang binuhat,

"oh, hindi halatang namiss mo ko ah??" nakangiting ginulo-gulo pa ni Aaron yung buhok niya,

gaya ng napag-usapan namin nung nakaraan, tumuloy kami para mamasyal ngayong day off ko, kina Manang Rose nga lang ako nagpaalam dahil hindi pa ko handang kausapin ni tignan man si Brix dahil sa mga nalaman ko nung isang gabi, mabuti na ring hindi na siya nagtanong kaninang paalis na kami ng bahay,

as if may karapatan din siyang magtanong,

"saan niyo gustong pumunta??" tanong ni Aaron,

kumain muna kami ng tanghalian at nag-ikot-ikot sa loob ng mall at nung mag-hapon na naisipan nung dalawang pumunta sa amusement park,

napailing-iling nalang ako at wala nang nagawa kundi pumayag, ayos lang naman siguro kung gabi na kami maka-uwi,

habang naglalakad palapit sa kotse ni Aaron sa parking lot, hindi ko maiwasang tumingin-tingin sa paligid, pakiramdam ko kasi may nakatingin o nagmamasid samen, kanina ko pa to napapansin mula nung dumating kami kaninang tanghali dito sa mall eh,

"Harrah?? let's go??"

nalipat yung atensyon ko kay Aaron nung marinig ko siyang magsalita, nakita kong nasa tapat na kami ng kotse niya, nakabukas na pala ang pinto ng front seat para saken,

"are you okay??" nag-aalalang tanong niya,

"y-yeah, I'm sorry, madami lang akong iniisip.." ngumiti ako sa kanya para ipakitang ayos lang talaga ako at mukhang nakumbinsi naman siya,

pagkasara niya ng pinto ng kotse, pinagbuksan niya din muna ng pinto sa backseat si Kyle tsaka siya umikot papunta sa driver's seat at nagsimula nang magdrive,

halos buong byahe silang dalawa lang tong nagdadaldal ng nagdadaldal tungkol sa mga pinaggagagawa ni Kyle sa school at nagpapasalamat na rin akong yun lang ang topic nila dahil hindi ko naman nabilinan si Kyle na huwag magbabanggit ng kahit anong tungkol kay Brix,

matalinong bata ang anak ko at alam kong kung sakali baka tanungin niya pa ako ng mga tanong na hindi pa ako handang sagutin sa ngayon,

pagkarating sa amusement park, pati ako binilhan nila ng rides-all-you-can na ticket kaya wala na kong lusot para magpaka-KJ pa sa kanilang dalawa, lahat ng rides na sinakyan nila hindi pwedeng hindi ako kasama,

nagpapasalamat na rin ako dahil kahit papaano at kahit saglit lang, nawala sa isip ko yung mga problema at yung mga napag-usapan namin ni Brix na ayaw ko munang pinag-iiisip at pinag-iiintindi kahit pa hanggang ngayon nalilito pa rin ako,

"Papa Aaron, dun naman po tayo!!" turo ni Kyle dun sa Horror House,

hinihingal-hingal pa kong umiling-iling dahil katatapos lang namin sa roller coaster at hindi ko pa yata kayang pumasok naman sa ganyan!!

halos atakihin na ko sa puso dahil sa nerbyos sa bilis nung huling rides na sinakyan namin tapos papapasukin pa nila ko diyan?!! baka matuluyan na ko sa takot!!

hindi rin naman ako kasing-energetic ng dalawang to na parang hindi manlang hinihingal,

"Kyle, magpahinga na muna tayo, pagod na si Mommy mo oh.."

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon