12.2

5.8K 126 2
                                    

Harrah's POV

napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa dibdib ko, ramdam ko yung lamig ng paligid pero patuloy sa pagtulo yung pawis at mga luha ko,

humawak ako sa ulo ko at humagulgol,

yun nanaman, napanaginipan ko nanaman, matagal nang tapos yung mga gabing yun na puno ng paghihirap pero pakiramdam ko parang kahapon lang,

gustong-gusto ko nang makalimot, gustong-gusto ko nalang kalimutan lahat ng nangyari sa nakaraan,

pero bakit ba kailangang bumalik pa yun??

ayoko na eh, ayoko nang maalala pa yun..

napalingon ako sa pintuan nung biglang bumukas yun, nanlaki yung mga mata ko nung makita ko si Brix, nagmamadali akong umatras,

muntik pa kong bumaliktad at mahulog sa kama kung hindi agad siya nakalapit at nahawakan ako sa braso,

"Harrah, c-calm down.."

"wag mo nga akong hawakan!!" tinabig ko agad yung kamay niya at dali-dali akong bumaba ng kama para makalayo sa kanya,

malinaw na malinaw pa saken lahat ng ginawa niya saken noon at hindi malabong gawin niya ulit yun,

"a-anong ginagawa mo dito?? w-wag mo kong sasaktan, please, please, lumayo ka saken.."

sumiksik ako sa sulok na parte ng kwarto at dun naupo,

akala ko mamimilit pang lumapit si Brix pero yumuko lang siya at dahan-dahang tumango,

"I.. I'm sorry.." tumingin lang ulit siya saken ng isang beses at naglakad na palabas ng pinto,

nakahinga ako ng maluwag nung maisara na niya yung pintuan at hindi ko na siya nakikita pero walang pa ring humpay sa pagtulo yung mga luha ko,

itinakip ko yung dalawa kong kamay sa mukha ko at nagsimulang humagulgol, bumabalik nanaman saken yung mga nangyari noon na pilit ko nang kinakalimutan..

***FLASHBACK (continuation)

nagising akong masakit ang buong katawan lalo na sa ibabang parte, sinubukan kong bumangon pero nahirapan ako lalo na nung makaramdam ako ng kirot sa bandang balakang ko,

medyo hinawi ko yung tanging kumot na bumabalot sa katawan ko para makita yung mga galos at kalmot sa bewang ko dahil sa pagkakabaon ng mga kuko ni Brix dun kagabi at kanina,

napatingin ako sa orasan sa gilid ng kama sa may side table, 6am na, dalawang oras palang pala ang tulog ko, inabot na kasi kami ng umaga ni Brix,

halos mawalan na nga ako ng malay sa sobrang pagod at antok kanina eh,

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon