7.3

6.9K 146 3
                                    

PAGE 21

"ano nanaman bang ginagawa mo dito??" inis at pabulong na tanong ko dahil iniiwasan kong marinig kami ni Kyle mula sa loob,

ayokong nagsisinungaling sa anak ko kaya hangga't maaari iniiwasan kong nagtatanong siya saken,

ano namang kasing isasagot ko kung sakaling magtanong siya kung anong ginagawa ni Brix dito??

pinapa-iwas ko nga siya sa taong to tapos makikita niyang pumupunta dito??

"I just want to know your decision.." cool na sagot niya,

"decision?? decision for what??" tinaasan ko siya ng kilay,

napansin ko yung envelope na hawak niya pero hindi ko na yun binigyang pansin at binalik ko rin agad yung tingin ko sa mukha niya,

"about my offer.."

kumunot yung noo ko,

offer?? at sa tingin niya talaga pag-aaksayahan ko ng panahong pag-isipan yun??

ano yun, joke?? nagpapatawa ba siya?? kahit isang segundo hinding-hindi ko sasayangin ang oras ko para sa walang kwentang offer na yun dahil buo ang desisyon kong hindi na ako babalik sa bahay na yun,

ngayon pa nga lang nasusuka na kong makita siya, ang makasama pa kaya siya sa iisang bubong??

at lalong hinding-hindi ko ilalagay sa kapahamakan ang anak ko,

"anong offer?? I told you ayokong maging personal cook mo at lalong ayokong magtrabaho para sayo kaya kung pwede umalis ka na.." matigas at pinal na sagot ko,

sinubukan ko ulit isara yung gate pero hinarangan niya rin lang ulit yun,

"wait, here.." inilahad niya saken yung envelope, "I'm sorry Harrah but you are the one who force me to do this.."

tinitigan ko muna yun bago kinuha at binuksan, binasa ko kung anong laman nun,

nagsimula nang bumilis yung tibok ng puso ko pagkabasa nun,

"what is this?? a-ano nanaman to?? anong ibig sabihin nito??" sinamaan ko siya ng tingin,

pilit ko nalang pinapakalma yung sarili ko dahil sa totoo lang, pag di ko na-control yung emosyon ko baka maisampal ko pa sa pagmumukha niya to,

napahigpit yung hawak ko sa mga papel na hawak ko,

"I'm just giving you an option.." sagot niya,

umiling-iling ako, hindi ko na alam kung paano pa kukumbinsihin ang sarili kong magiging maayos din ang lahat gayong alam kong sa pagkakataong ito malabo na,

mautak talaga kahit kelan ang lalaking to,

"n-no.. y-you can't do this, hindi mo pwedeng kunin ang custody ng anak ko.."

ako ang nagpalaki kay Kyle, ako ang nag-alaga, ako lang mag-isa kaya wala siyang karapatan sa anak ko..

"you know I can, try me.." seryoso yung tono ng boses niya at alam kong hindi siya nagbibiro,

at alam ko rin sa sarili kong hindi siya nagsisinungaling pero hindi ko yun matanggap,

hindi ko rin matanggap na angkapal ng mukha niyang gawin saken to,

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon