"please Harrah, stay by his side, kahit sandali lang, k-kahit hanggang sa makahanap lang kami ng donor at makapagpa-opera na siya, kahit hanggang lang sa makakita na ulit siya.. ikaw lang, ikaw lang ang alam kong makakatulong sa kanya, w-wag-- wag mo muna siyang iiwan sa ngayon, please.."
sa lahat ng napag-usapan namin ni Tita Jenny, yan at yan lang ang tumatak saken at paulit-ulit na gumugulo sa isip ko,
wala naman siyang binanggit saken na kahit ano o kung may mga nalalaman ba siya tungkol sa mga nangyari pero base sa mga sinabi at mga pakiusap niya saken kanina, hindi ko na alam,
pinauna ko na muna si Tita Jenny na pumasok sa room ni Aaron at nagpa-iwan lang ako saglit sa labas para makapag-isip ng maayos,
napakaliit lang na paki-usap nung hinihingi niya saken at kung tutuusin, hindi na niya yun kailangan na ipaki-usap pa saken dahil desidido naman na talaga akong.. manatili sa tabi ni Aaron..
hindi ko pa to napag-isipan ng mabuti pero sa tingin ko, ito na ang pinakamabuting gawin at pinakatamang desisyon sa sitwasyon ngayon lalong-lalo na sa kalagayan ni Aaron,
huminga ako ng malalim,
biglang pumasok sa isip ko si Brix,
hindi ko na ipagkakait pa sa kanya ang maging ama kay Kyle dahil may karapatan naman talaga siya pero sana bigyan niya muna ako ng sapat na oras para ipaliwanag yun sa anak ko,
siguro mabibigyan ko pa siya ng pagkakataon sa bagay na yun pero kung tungkol na sa aming dalawa ang pag-uusapan,
hindi na ata yun kakayanin ng konsenya ko,
huminga pa muna ulit ako ng malalim bago dahan-dahang pinihit ang doorknob,
naabutan ko nanaman sila Tita Jenny sa parehong sitwasyon sa pamimilit kay Aaron na kumain na,
"Mom, ano ba?!! angkulit niyo, ayoko ngang kumain eh!! at yung sinasabi niyong may pag-asa pa kong makakita?!! Mom, wala na akong pakeelam, basta iwan niyo nalang ako!!"
sinubukan niyang tumagilid para tumalikod sa pwesto ni Tita Jenny na naging dahilan ng pagkakahila ng dextrose na nakakabit sa kanya at pagkaka-ipit ng braso niyang may cast pa,
kita ko yung pag-ngiwi niya sa sakit dahil dun kaya dali-dali na kong lumapit,
"yung braso mo, ayaw mo naman sigurong mas lumala pa yan no??" hinawakan ko siya sa balikat para paayusin ng higa,
ramdam kong nanigas siya sa kinahihigaan niya at halatang natigilan nung marinig ang boses ko,
"H-Harrah??" rinig kong bulong niya,
BINABASA MO ANG
MY JERK EX-HUSBAND
General FictionMY JERK EX-HUSBAND by: MissTerious0021 Cast: Yoon Eun-hye as Harrah De Vera Kim Myungsoo as Brix Castillo Yoo Seung Ho as Aaron Guevara