8.2

6.6K 171 2
                                    

"Ma'am, ako na po ang maghuhugas ng pinggan.." prisinta ni Amber,

umiling naman ako sa kanya,

"no, ako na.. tsaka bakit niyo ba ako tinatawag na Ma'am?? pare-pareho lang naman tayong nagtatrabaho dito.." natatawang sabi ko,

kanina ko pa kasi sila napapansin eh, ilang beses ko na silang pinagsabihan pero ganun pa rin, tinatawag pa rin nila akong 'Ma'am',

nagkatinginan naman sila Amber, Joyce at Eya Mae na parang nag-uusap at nagkakaintindihan sa pamamagitan lang ng mga mata,

mga katulong sila dito sa bahay na naka-assign sa kitchen, tinulungan din nila ako sa pagluluto kanina,

"p-pero diba po asawa kayo ni Sir??" singit ni Joyce na agad napatakip sa bibig niya nang sinita at hinampas siya sa braso ni Eya Mae,

nalaglag ko yung pinggan na hawak ko sa gulat dahil sa sinabi niya,

mabuti nalang at sa sink lang kaya hindi nabasag,

bahagya pa akong natigilan at nagtatakang napatingin sa kanila,

paano nila nalaman yun??

saan nila nakuhang mag-asawa kami ni Brix??

"ikaw kasi Joyce eh!!" siniko ni Amber si Joyce,

"bakit?? eh yun ang pagkakaalam ko eh!!" nakangusong katwiran ni Joyce habang hinihimas ang braso niya,

"manahimik na nga lang yang bibig mo, mawalan pa tayo ng trabaho dito eh, ewan ko lang.." inirapan pa siya ni Eya Mae,

"s-sorry, pasensya naman, tara na nga, mabuti pa magtrabaho nalang tayo!!"

sabay-sabay silang yumuko at hindi na ulit ako tinignan na para bang walang nangyari,

natataranta silang nagtulakan at naghanap ng kanya-kanyang gagawin dito sa kitchen,

hindi ko nalang sila pinansin at tinuloy ko nalang yung ginagawa ko,

kung saan man nila nakuha ang impormasyon na yun, wala na akong pakeelam,

pagkatapos kong maghugas, in-arrange ko na yung mga pinggan sa lagayan,

iinom sana ako ng tubig bago bumalik sa kwarto namin nung may mapansin akong tatlong lalagyan ng gamot sa dulo ng sink na katabi ng water dispenser,

kumunot ang noo ko at tinitigan yun, inalog-alog ko pa para i-check kung may laman at meron nga,

"Amber, kanino to??" tanong ko kay Amber na nagpupunas ng lamesa,

napatigil siya sa ginagawa niya at napalingon saken,

"ayy baka po kay Sir Brix yan, naiwan niya siguro nung uminom siya ng gamot kagabi.." magalang na sagot niya,

MY JERK EX-HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon