Prologue

7.1K 129 2
                                    


  This book or any portion thereof may not be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author. 


All of the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author,and have no relation to anyone having the same name or names. All the incidents are merely invention.  


Copyright © 2016  by quinjinx_06 All rights reserved.  


            _________________________________________




Naiinis ako! Ang init. Tinalo pa ang EDSA sa sobrang traffic nitong daan na tinatahak ko. Gusto kong isigaw na bibili lang ako ng Tanduay long neck sa may kanto para mahawi ang tao at dadaan ang beauty ko. Gusto ko ring sigawan ang tatay kong sobrang galing at ako pa talaga ang pinagbili nito. Hello Tay! babae po ako! Anong silbe nitong floral dress na suot ko pati ang isang oras na pag pulbo at walang humpay na lip gloss sa bibig ko? Nagpa ganda pa ako para sa fiestang to eh inutos-utusan lang ako.




At nang pauwi na ako eh muntik pa akong mahulog sa kanal sa lakas ng dagundong na hiyaw ng tao sa covered court. Ipukpok ko tong long neck sa ulo niyo eh! Pero di kinaya ng brain cells ko ang makipagsiksikan para maka alis sa lugar na'to. Na ang ending, napunta ako sa harap ng court. Paano ako nag teleport dito?



Pero bago pa ako mapa atras pabalik eh ang paglitaw ng mukha mo sa harap ko. Nagkatitigan tayo at muntik ko pang mapukpok sayo ang long neck na dala ko ng matumba ka sa harap ko.




"Out Jersey No. 6!" I turn my face to the left, to the right baka may nag shooting lang dito at umeksina lang ang beauty ko. Pero napangiwi ako ng sa noo ko mismo napalo ang long neck na dala ko. Sinamaan kita ng tingin ng itinayo mo ako, pati ang long neck na dala ko ay inagaw mo. At ang lakas ng loob mong makipag holding hands sakin ng hilahin mo ako papunta sa gitna ng court. Gusto pa kitang sipain ng iniwan mo lang ako sa gitna kaya halos masubsob ako sa pagtakbo makasunod lang sayo.




"Bukol." Yan ang unang lumabas sa bibig mo ng pinaupo mo na ako. Ngumuso ka pa na parang magkikiss tayo. Pero natikom ko ang bibig ko ng hawakan mo ang noo ko. Yung feeling na bigla akong nanginig sa simpleng hawak mo. Magkaharap tayong maupo. Pero kaw ba si Agustus ng "The Fault in our stars"? Makatitig ka kala mo ang gwapo mo! Tinaasan kita ng kilay. Ngumiti ka! Correction, humalakhak ka! Punyemas! Rule #1. Hindi kita tataasan ng kilay forever dahil nagwawala ang puso ko. Heart attack ang target mo!




Tinitigan mo parin ako kahit may nakatayo na sa harap natin. Sinubukan kong magtago pero nakangiting mukha mo ang sumusunod sa bawat lingon ko. Yung totoo? Maganda ba ako sa paningin mo? Muntik pa tuloy akong mag pa cute sa harap mo. But before I could flip my hair ay nag disappear kana sa inuupuan mo. Pero nag ha-hyperventilate ang utak ko dahil sa walang katapusang patakbo-takbo mo sa gitna ng court. Hindi ko maintindihan ang larong yan kaya pinilit kong makipag siksikan ulit sa maraming tao para makauwi na sa bahay namin.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon