A/N: Dinededicate ko itong story na ito sa mga taong walang sawang sumusuporta sa mga gawa ko. Thank you guys! ^_^ Follow niyo ko. =D
"Dalian niyoooooooooooo!", sigaw ni Alia. Tumatakbo kami papuntang M-Square dahil ngayon gaganapin ang "Search for Mr. and Ms. Mireille University Personality".
Ako nga pala si Danielle Kezia dela Vega, 20 years old at isang Nursing student. Kasama ko nga palang tumatakbo ang mga ka-RLEmates ko.
(A/N: RLE= group po siya ng nursing students usually compose of 12 or 13 na groupmates mo na sa lahat ng school activities and kasama mo pa sa duty.)
"Kasi naman si Sir eh, di na tayo pinatawad. Alam naman niyang susuportahan natin si Aaron pero tinapos parin ang lecture.", inis na sabi ni Kylie.
"Dahan-dahan naman tayo, dumadami na ang tao oh.", hingal na sabi ni Serenity.
Tumigil kami at nakipagsisikan sa maraming tao. Nandito kami sa M-Square para suportahan si Aaron, isa kong RLEmate. Siya kasi ang nanalong Nursing Personality kaya siya ang representative namin para sa university wide pageant. Hawak- hawak ko ang banner na pinagpuyatan ko kagabi.
"Excuse meeeeee!", singit na sigaw ni Alia. Singit ng singit si Alia. Walang pakialam kahit makabunggo ng mga tao.
"Eto talagang batang ito! Buti sana kung kasing liit namin ang katawan mo.", angal na sabi ni Kylie.
"Naku, wag na nga kayong mag-inarte dyan. Dapat nasa harapan tayo para makita tayo ni Aaron.", sabat ni Alia kay Kylie.
Natawa nalang ako. Yung RLE ko talaga napaka-supportive sa isa't-isa. Kahit magkakaiba ang ugali namin, nagkakaunawaan padin kami. We are imperfect individuals but perfect as a team. Chos. Hahaha. Si Alia Dela Cruz ang pinakabata sa amin. Actually mukha talaga siyang bata. Medyo maliit din kasi ang height niya at pinakamakulit sa amin. Si Kylie Delfin naman ang genius sa RLE namin. Lahat ata nasasagot niyan. Tanong mo kung kailan ka ikakasal, sasagutin ka. Hahaha, joke. Si Serenity Dela Rosa naman, siya ang pinaka-conservative at mahiyain sa amin. Kung kakausapin yan ng di niya kakilala baka akalain nung tao eh pader ang kinakausap niya. Si Aaron Calliel Del Valle? Ayun, ang Mr. Crush ng Bayan. Matalino din siya at siyempre gentleman. Halos lahat ata ng babae na makakita sakanya eh crush siya. Di ko lang talaga alam kung bakit kaming mga RLEmates niyang girls eh walang crush sakanya. Hahaha. At siyempre yung iba kong rlemate? Ayun, may madaldal, may avid fan at may playboy.
And speaking of playboy.
"Hi mga babes!", bati ni Caleb Dela Cerna. Isa din siya sa mga rlemate ko.
"Uy Caleb! Kanina ka pa?", tanong ni Serenity.
"Hindi naman. Oo nga pala, si Lesley.", pakilala niya sa amin. Naku, one of his GIRLS nanaman.
"Hello!", bati naman sa amin ni Lesley.
"Sige, mga babes, kain lang muna kami ha. Balikan ko nalang kay mamaya.", paalam ni Caleb with matching kindat pa. 'Babes' talaga ang tawag niya sa aming RLEmates na girls. Di ko nga alam kung bakit.
At nagsimula na ang pageant. Rumampa muna ang mga candidates. May 24 na contestants ang kasali mula sa iba't- ibang courses. Lahat sila ang tatangkad. Pag Nursing na ang tinatawag o rumarampa, sumisigaw kami ng "GO AARON!". Nakita naman kami ni Aaron at nginitian. Marami rin ang nakiki-cheer sa amin dahil na gwapo si Aaron. Advantage ata namin yun. Yung ibang contestant? Ayun, oo gwapo at magaganda. Hahahaha, pero hindi kami yung tipo na mga babae na parang solid fangirl na talagang nagwawala. Kagaya nalang nito.

BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Teen FictionNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...