Chapter 22: Meet Lolo

74 2 0
                                    

TUESDAY

KEZ's POV

Bumalik ulit ako sa office ni Mr. Perfecto kinabukasan. Tinanong ko yung secretary niya kung nasa loob ba siya. Sinabi niya na didiretsong board meeting si Mr. Perfecto. Tinanong ko kung anong oras matatapos. Depende daw. Hay. Ngumiti ako at sinabing maghihintay nalang muna. Pinaupo niya ako at sinabing tatawagan si "Sir Joseph" para i-inform siya na nandito ako. Nagpasalamat ako. 

7:30.

Sobrang daming ginagawa ng secretary niya. Type dito, sagot ng phone calls and stuff. Kung ako siguro yan, baka ma-bored lang ako. Buti pa sa hospital, pagnatapos mo na yung charts, bisitahin yung patients.

"Opo, nandito pa po siya. Opo. Sige po.", napalingon ako nung binaba nung secretary yung phone. Mukhang si Mr. Joseph Perfecto ang tumawag.

"Ma'am, alam na po ni Sir Joseph na nandito po kayo. Hintayin niyo nalang pong matapos yung board meeting." Ngumiti ako at nagpasalamat.

9:00

Hay, boring. Nag- gm na nga ako sa mga classmates ko eh na 'text text kami' wala namang nagreply. Busy siguro sa pag-aaral sa board exam. Speaking of classmates, nakakamiss din palang mag-aral? Nagreminisce tuloy ako ng mga memorable experiences ko sa college. Minsan nga eh napapatingin sa akin yung secretary kasi ngumingiti akong mag-isa. After 1 hour, narinig kong tapos na ang board meeting nila. Inayos ko naman yung upo ko. Siyempre, dapat presentable. Medyo nagugutom na nga ako eh pero buti may X.O. candy akong dala. 

11:00am

12:00nn

Sinabihan ako nung secretary ng mag-lunch muna. Sabi ko, ayos lang ako at busog pa ako. Nagpaalam siya para mag-lunch muna. Paano kung dumating si Mr. Perfecto diba? Sayang yung time.

Kruuuu~ Ayan na, nagsisimula nang magwala ang tiyan ko. Asan na ba siya? Nilamon na ata siya ng swivel chair niya.

Ang ayoko pa naman eh yung naghihintay. 

1:00pm 

Kapag 30 minutes, wala pa siya, aalis na talaga ako. Dumating na din yung secretary at nagulat na nandoon padin ako. Ngumiti lang ako kahit na medyo nababadtrip na ako. Iniisip ko kasi na paano kung hindi ko siya ma-convince? Masyadong maiksi ang 1 week na palugit. Nag-iisip na ako kung ano ang gagawin ko sa mga susunod na araw ng biglang..

"Sir! Si Ms. Dela Vega po kanina pa po kayo hinihintay.", Napalingon ako at biglang napatayo. Finally!

"Good afternoon Mr. Perfecto", bati ko at ibinigay ko ang super duper killer smile ko sakanya.

"Yes?"

"Umm, Gusto ko lang sanang i-recon--"  hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil bigla niya akong pinutol.

"Do you have an appointment with me today?", straight face na tanong niya sa akin.

"I just like to convi---"

"Ang sabi ko, may scheduled appointment ka ba sa akin today?", medyo pagalit na sabi niya sa akin.

"Wala. Pero--"

"Wala pala eh. May mga naka-schedule na akong appointment for today with different people. And besides, I have so many things to do. So if you want to talk to me, make an appointment with my secretary. You can leave now Ms. Dela Vega." 

What? Pinapaalis na naman niya ako?! After kong maghintay ng almost 6 hours sa kanya, hindi niya ako kakausapin?!

"I thought you're going to talk to me? Bakit mo pa ako pinaghintay kung hindi naman pala?!" inis na sabi ko. Alam kong hindi dapat ganito yung tono ng pananalita ko pero hindi naman ata tama yung paghintayin niya ako. 

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon