One day before board exam.
Sabado ngayon at sobrang aga ko lang nagising. Sabi nila? Dapat chill chill nalang before the day ng exam.
Pero paano ako magchichill kung...
SIMULA NUNG PAGDILAT NG MGA MATA KO SOBRANG KINAKABAHAN NA AKO!
Normal lang ba 'to? Para akong matatae na ewan.
Sinubukan kong manood ng TV, pero wala padin. Sinubukan kong maglaro ng Farmville pero wala parin.
Sabi ng heart ko...
RYDER.. RYDER.. RYDER...
Weh! Corny ko! Hahaha, syempre sabi niya
LUB DUB! LUB DUB! LUB DUB! Times 1000! Hay.
Speaking of Ryder, before siya matulog, tinatawagan niya ako. Sabi ko kasi sakanya, I need to focus. Okay lang naman yung 1 hour na kilig diba?
Oo teh! 1 hour talaga. Di ko nga namamalayan minsan eh. Yun na din yung pamparelax ko. Hehehe Landi lungs. Masasabi ko na may improvement naman.
Bumaba ako sa may kusina at nakita ko si Ate Ces. Tinanong ko kung nasaan sila at walang tao sa bahay. Sabi niya ay may kanya-kanya daw na pinuntahan yung mga tao sa bahay. Hmm, alam kaya nilang board exam ko bukas? Wala akong mapaglabasan ng kaba. >___< Mamayang hapon pa kami magkikita kita ng RLEmates ko. Magtotour kasi kami at bibisita kami sa mga simbahan for the last time at kung naaalala niyo, sa bahay nila Aaron kami matutulog for the night at sabay sabay pupunta tomorrow sa venue ng exams.
Ano kayang magandang gawin pamparelease ng stress?
Aha! Alam ko na! Magbebake nalang ako! Hihihi. Matagal tagal na din simula nung huli akong nagbake. Nagpasa ako kay Ate Ces para bumili ng ingredients, ano kayang ibe-bake ko? Hmmm... Gagawa nalang ako ng maraming cupcakes at papabaunan ko din ang groupmates ko! Yey!
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Novela JuvenilNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...