Chapter 4: My Fiance

157 5 0
                                        

"Good morning!", bati sa akin ni Serenity.  

"Morning.", umupo ako kaagad at sinandal ang ulo ko sa desk.  

"Anyare sayo Elle?", tanong ni Kylie.  

"Wala.", at unti-unting napapapikit yung mga mata ko. Paano ba naman kasi, tinapos ko na ang module 1 kagabi. Nasabi ko na bang may 10 modules akong kailangang sagutan? Saklap.  

"UY! Sipag mag-aral! Anong inaral mo?", tanong ni Serenity. Di na ako nakasagot. I wanna sleep. 

"Hoy, Elle! Pa-photocopy naman ng reviewer ng Communicable Disease. Pleaaaaaaaase", patuloy akong kinakalabit ni Alia. Tinuro ko yung bag ko sa sahig. 

"Thanks!"  

"HOY! BAKIT MAY BIODATA KA NI NRDHO?!"     

Ano daw? Biodata? Psh.   

"Grabe! Stalker ka na babes?", narinig kong sabi ni Caleb.  

"HOY ELLE!",  at inalog-alog nila ako.  

"URGH! Ano nanaman?!", inis na sabi ko.  

"Ano 'to? Ha? Paki-explain teh.", sabi ni Alia. Tinignan ko yung folder. Yun yung folder na bigay ni Kuya kagabi.  

"Bakit? Ano namang meron sa folder na 'to?!" Oo nga pala. Yung information sa FIANCE ko daw. Actually hindi ko pa nakikita yan.  

"Nag-apply yan na maging boyfriend ko.", panloloko ko sakanila.  

"WEH?!", sabay-sabay nilang sabi.  

"Taray! Parang apply lang ng trabaho ang peg?", tawa ni Kylie.  

"Parang ganun na nga. Dadaan muna sa screening.", sabi ko with a smirk.

"Tara, kain tayong breakfast, mukhang male-late naman si Ma'am eh.", yaya ko sakanila.  

"Hoy, magkwento ka naman sa aplikante mo.", kilig na sabi ni Serenity. Psh, paano ako magkukwento eh hindi ko nga kilala yung fiance ko? Naman.  

Pagkabili namin ng pagkain galing sa labas, bumalik na kami ng building. Bago pa kami makapasok,       

"Good Morning Elle.", nakangiti niyang bati sa akin.     

Huhuh anong ginagawa niya dito?    

"Oh, ayan na pala yung applicant mo eh. YIEEEEEEE!", sabay sabay nilang sabi.     

Ano daw? Applicant?       

Natigilan ako...    

What?! Don't tell me...      

SI RYDER CERVANTES ANG FIANCE KO?!        

"Sige, una na kami Elle!", sabay pasok nila sa building. Huhuh, don't leave me alone.  

"Magbrebreakfast ka palang ba?", tanong ni Ryder.   

"Uhh, oo.", naiilang kong sabi.  

"Naku, dapat pala tinawagan mo ko para napagluto kita.", nakangiti niyang sabi.  

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon